Chapter 18

9 3 0
                                    

"Who Is That?"

Alienna's POV

"Alien, Tingin ako nung sayo." Sigaw ni Janna nang makalapit sa aming upuan.

Pinakita ko naman ito, bigla namang nagningning ang kaniyang mga mata sabay hablot sa gawa ko.

Konti nalang at parang gusto na niya itong pilasin.

"Akin na nga! Pipilasin mo ata eh... Tsaka na pag nabigyan na ng puntos, tss." Sabi ko dito at kinuha na, ngumuso naman siya. "Tingin nung iyo." dagdag ko at sumigla naman ang kaniyang mukha.

Dahan-dahan niya itong iniharap sa akin na akala mo ay magugulat naman ako sa makikita ko.

"Sino yan?" Inosente kong tanong.

"Ha! You don't know? Kita mo naman yung partner ko diba?" Pagtataray niya.

Alam ko naman yun. Pero masakit man sabihin ngunit hindi ito kamukha ng partner niya.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"What?" Tanong niya sa akin sabay tingin ulit sa gawa niya. "Ummm... actually... This is what you call CARICATURE style, uso kaya yun! hehe" Sabi niya tsaka umalis.

tss...

Muntik ko na palang makalimutan na katabi ko pa pala ang president namin.

"Patingin ako, Adrio---ian... *ehem*." Pagtawag ko sa kaniya.

Tiningnan niya lang ako ng masama tsaka tamad na iniabot sa akin ang gawa niya.

Wow.... anime style -.-

Pinagmasdan ko ang mga labeled parts niya at pinagkumpara sa gawa ko kung tama din ba at kumpleto yung sa akin.

Tama naman lahat, hehe.

Kinuha naman niya sa akin yung gawa ko ng hindi nagpapaalam. tsk!

Para siyang scanner machine dahil sa pagtitig niya sa papel ko.

"Baka matunaw..." bulong ko.

"Tss." Sagot niya. Narinig pala ako, pfft.

"Rate?" Tanong ko sa kaniya.

"8/10"

Wha-?

"Bakit 8 lang? T^T" Tanong ko rito.

"My lips here didn't look like mine." Explain niya.

"Tss... yaan mo na--" Natigil ako sa pagsasalita nang hawakan niya ko sa magkabilang balikat at iniharap sa kaniya.

Buti nalang at hindi naman nabali ang torso ko, magkatabi lang naman kase kami, pwede namang ulo ko nalang ang haharap sa kaniya.

"Look. Do my lips was really look like in the paper?" Tanong niya ng diretsahang nakatingin sa mata ko.

Di naman siya mukhang galit. Demanding lang.

Feeling ko talaga gusto niya lang mag-flex ng kaniyang labi.

Nakatingin lang ako sa kaniya habang iniimagine yung gawa ko at pinagkukumpara sa kaniya hanggang sa... Umibaba ako ng tingin sa kaniyang labi.

Napatikhim ako at nag-iwas agad ng tingin doon.

Pinky na may pagkaglossy tapos k-ki-kis... psh...

Naka lipgloss kaya siya? >///<

Tsaka bakit 8 kung yung lips lang ang mali? Diba pwedeng 9 out of 10? -.-

InverseWhere stories live. Discover now