"Gaming Area"
Alienna's POV
Pagbaba sa game area ay hindi ako napansin ng dalawa. Maya maya naman ay bumaba na rin si Janna.
Madalang ako pumunta dito kaya naman ay namamangha pa rin ako sa lugar na ito lalo na ang violet and blue na ilaw rito na siyang nagpapaganda sa lugar.
"Stupid! Go to the left!!" Biglang sigaw ni Janna na hindi ko manlang napansing nasa likod na ni Kienne at tinatama ang ginagawa ng naglalaro.
"Don't order me around!!" Sigaw naman nito pabalik kay Janna. Narinig niya siguro ang malakas na sigaw ni Janna.
Habang nagtatalo sila ay concentrate namang naglalaro si Ash at sa huli ay nanalo rin siya laban kay Kienne.
Si Kienne naman ay hindi makikita ang pagkadismayang natalo ngunit masama ang tingin kay Janna at masamang tingin din naman ang iginanti niya dito.
"Nanalo sana ako kung hindi ka maingay!" Sigaw niya kay Janna.
"Engot ka! Sabing kaliwa eh kumanan ka!" Sigaw ni Janna pabalik.
Mahina kong tinulak ang sentido ni Janna gamit ang palad para tumigil na siya kakasigaw.
"Better luck next time." Pag-papagaan ko ng atmosphere.
Umupo naman ako sa kaninang inupuan ni Kienne at inilagay sa tainga ang headphones.
Napatingin naman ako kay Ash na katabi ko pero nakatingin na din pala siya sa akin.
"Tititigan mo nalang ba ako?" Tanong ko sa kaniya kaya naman nakangiti siyang napailing-iling. "1 v 1 tayo." Sabi ko sa kaniya at siya namang pagsuot niya rin ng headphone.
Ako ang pumili ng lalaruin namin. Dahil sa hindi naman ako kagalingan ay pinili ko nalang na mag-race kami.
Hindi pa man nagsisimula ay naririnig ko ang usapan ng dalawa sa likod namin na nagmamagalingan maglaro mamaya.
Nagsimula na ang laro kaya naman dali dali naman akong pagpipindut-pindutin ang left at right buttons. Kahit alam ko namang matatalo ako ay ginagawa ko pa rin ang aking best.
Malapit ko na siyang maabutan ng madali ko ang kotse niya.
Hindi ko naman iyon sinasadya pero dahilan iyon upang bumagal ang bilis ng kotseng nilalaro niya.
Natandaan ko namang may cam pala ang computer na pinaglalaruan namin upang makita ang ka 1 v 1 ng isa't-isa kaya naman binuksan ko ito nang nakaconcentrate pa rin sa nilalaro at ibinaba ang maliit na mic sa headphone.
"Aha--ha... peace...(^U^)v" Nakangiti at kunwaring natatawang sabi ko sa kaniya gamit ang mic para marinig niya ang sinabi ko.
Hindi ko naman makita ang mukha niya dahil hindi ko maalis ang paningin sa nilalaro namin at baka matalo ako.
Nakangiti pa rin ang aking labi pero medyo nawala naman iyon ng paunti-unti nang makitang hindi naman nagalaw ang sasakyan niya pero naandar pa rin at malapit na kami sa finish line, hindi ko naman na iyon pinansin dahil naging abala ako.
Sa huli ay ako ang nanalo kaya naman napagdesisyunan kong tingnan ang cam namin.
Nangunot ang noo ko nang makita ko ang mukha niyang wala namang reaksiyong pinagbago pero nakatingin sa screen ng computer.
Inalis ko ang headphone ko at tiningnan siya. Tumayo na rin ako at ako na ang nagtanggal ng kaniyang headphone.
Hindi ko naman siya nakitang natuliro sa ginawa ko sapagkat umikot lang ang kaniyang swivel chair na ngayun ay nakaharap na sa akin.
YOU ARE READING
Inverse
Romance"Inverse..." "Magkaiba...Magkasalungat..." Ilan lang yan sa meaning ng hindi magkapareho... Pero... Baka naman puwede pa rin tayong maging pareho... kahit hindi tayo pareho at may pareho tayo. A/N: The characters and the scenes are only made in Aut...