"Home sweet Cold"
Aliena's POV
Bumalik agad ako sa event dahil baka mag-inarte na naman ang Janna na hindi ko siya pinanood.
Pagpunta ko naman sa pwesto namin ay nadoon na rin so Ash at seryosong nanonood habang ang mga nasa gilid ay puro hiyawan ang maririnig.
"Saan ka nanggaling?" Biglang tanong niya.
"Sa kotse, may kinuha lang ako." sabi ko na lang at umupo na. "Ikaw?" Tanong ko naman sa kaniya.
"Restroom." Mabilis na sagot niya.
Tumango naman ako at bumalik na ang tingin ko sa harap.
Sakto naman at kakatapos na nung ibang contestants nung nag-iba ang music, 'Fresh Eyes' by Andy Grammer.
Pag play ng music ay sina Janna at Kienne ang lumabas kaya naman ngumiti ako at itinaas-taas ang banner.
Marami ang naghiyawan at nagcheer sa kanila pero hindi na ako nag aksayang humiyaw para sa kanila dahil maugong na ang mga nasa paligid at tila hindi na kailangan pa ng boses ko.
Pinagmasdan ko sila. Confident na confident ang mga lakad nila na parang sanay na sanay sa mga ganitong event at walang kahirap hirap na pinakikisamahan ang isa't-isa.
*Flashbacks*
1 year earlier..."You can't decide by yourself if you will stay here. I don't know who you are." Mahinahong sambit niya ngunit ni isa ay hindi ko naunawaan.
Hindi ko naman siya pinansin at napatuloy sa ginagawa.
Nandito na ako sa ikalawang palapag at iginagala ang aking paningin sa buong lugar habang sinusundan pa rin ako nung lalaki.
"Ano ba ang iyong tinuturan?" Tanong ko dito. May halong pagtataka ang mukha niya nang tanungin ko ito.
Kanina ay kinakausap ako ng kasama niya na ganun din ang pinagsasabi ngunit wala naman akong interes na pag-aksayahan pa siya ng oras.
"Pangalan?" Tanong niya sa akin.
Nakalimutan ko palang magpakilala.
"Aliena... Eustass." Sabi ko.
"Saan nakatira?"
"Dito." Turo ko sa bahay niya. Napagdesisyunan ko na dito muna ako pansamantala lamang tutal siya naman ang una kong nakikila dito.
'Kailangan ko ng magandang teknik upang hindi niya ako paalisin...'
Ngumiti ako sa kaniya para mas lalo ko siyang makumbinsing dito muna ako maninirahan.
...
...
...*Kinabukasan...*
Mabuti naman at hindi na nagtanong pa ang lalaking iyon at hindi ako pinaalis kahapon, binigyan niya pa ako ng sariling kuwarto.
Kitang-kita ko kahapon kung paanong magbago ang kaniyang itsura na nagpipigil ng inis dahil sa pagpupumilit ko.
Kahapon ay iginala ko ang mga mata ko sa bawat sulok ng kanyang tahanan at wala manlang akong nakitang mga tagapamahala at tagasunod ngunit nag-iisa lamang siya?
YOU ARE READING
Inverse
Romance"Inverse..." "Magkaiba...Magkasalungat..." Ilan lang yan sa meaning ng hindi magkapareho... Pero... Baka naman puwede pa rin tayong maging pareho... kahit hindi tayo pareho at may pareho tayo. A/N: The characters and the scenes are only made in Aut...