"Nana"
3rd Person's POV
*Flashbacks*
10 years earlier..."Tingnan mo'ko oh!" Sigaw ng isang batang lalaki na pinapalapit ang kaibigan niya sa puwesto niya.
Nang marinig ang sigaw ay agad naman itong lumapit sa kaniya.
"Panoorin mo ako." Nagmamagaling na sabi pa niya at tumungo sa lawa.
Umupo naman ang batang babae sa damuhan at pinagmasdan ang lalaki na sumusulong sa lawa.
Nang makarating sa gitnang bahagi ng lawa ay agad niyang inulublob sa tubig ang kaniyang dalawang kamay.
Nagataka naman ang batang babae kung ano ang gagawin nito at hinintay lang ang kaniyang mga sususunod na gagawin.
Wala pang ilang minuto nang ilublob niya ito ay tinanggal na niya ito sa tubig at ipinakita ang kaniyang mga kamay na may hawak ng isang malaking isda.
Namangha naman ang batang babae sa ginawa ng lalaki at pinalakpakan niya ito.
Tumayo ito nang makitang umaahon na ang batang lalaki sa lawa at agad niya itong nilapitan.
"Ang galing mo!" Puri ng babae dito.
Napatango-tango naman ang lalaki dahil sa sinambit nito. "Mas higit pa ang kayang kong kunin kaysa diyan." Pagmamalaki nito.
Hindi naman siya pinansin ng babae dahil ito ay abala sa pagmamasid sa nakuhang isda.
"Ibalik mo na." Utos ng batang babae sa kaniya na ikinangunot naman ng noo ng batang lalaki.
"Hindi, lulutuin natin." Suhesytiyon niya at inilayo ang hawak niyang isda sa kaibigan.
"Nana!" Sigaw ng isa pang batang lalaki sa di kalayuan ng kanilang kinapupuwestuhan.
Napalingon naman ang dalawa dito at agad ngumiti ang batang babae sa kaniya.
"Dayvin!" Sigaw niya rin dito habang kinakawayan.
Nang matapos sa kakasigaw ay lumapit ito sa kanila.
Agad niyang napansin ang isda na hawak ng batang lalaki kaya agad itong tumabi sa kaniya.
"Lutuin na natin, Adrion." Sabi nito at tila nag-niningning pa ang kaniyang mga mata.
Napangisi nalang ang may hawak nito at napalingon sa kinaroroonan ng batang babae na ngayo'y masama na ang titig sa kanila.
Hindi na niya ito pinansin at agad na bumulong kay Dayvin.
Nang makuha ang pinupunto niya ay agad itong napangiti rin ng nakakaloko.
Napansin naman iyon ng batang babae kaya bigla nalang siyang nagtaka.
Maya-maya ay humakbang si Dayvin palapit sa babae at agad na hinawakan ang magkabila niyang kamay.
Naningngkit naman ang mga mata ng batang babae dahil sa ginawa niya at parang kinukwestiyon niya ang ginagawa nito.
"Nana--"
"Hindi kita gusto." Sagot agad ng babae at tila nagtataray, ngunit ang sinabi niyang yon ay pawang pang-asar lamang.
"Mas lalo na ako! Ang pangit mo kaya!" Panglalait na asar ng batang lalaki at binitawan ang kamay nito.
"Hawakan mo!" Sigaw ni Adrion kay Dayvin.
Natauhan naman ito at mabilis na hinawakan ulit ang mga kamay ng babae.
YOU ARE READING
Inverse
Romance"Inverse..." "Magkaiba...Magkasalungat..." Ilan lang yan sa meaning ng hindi magkapareho... Pero... Baka naman puwede pa rin tayong maging pareho... kahit hindi tayo pareho at may pareho tayo. A/N: The characters and the scenes are only made in Aut...