"Hot Room"
Alienna's POV
*Continuation of Flashbacks*
1 year earlier...Namangha ako sa nakita nang magbukas ang sinasabi ni Ash na 'screen'. Mas malaki naman ito kumpara sa 'kompyuter' na sinabi rin niya.
May kung anu-ano pang ginawa dito sa Kienne at habang abala siya ay nakatingin lang ako sa screen na maya-maya ay nag-iiba ang nakalagay doon. Nasisisgurado kong kinokontrol niya ang mga ito.
Sa unang pagkakataon ay nagamit ko ang sinasabing game controller. Ginamit ko ang mga buton doon upang mamili daw ng karacter sa napagdesisyunan niyang lalaruin.
Abala ako sa pagtingin sa harap habang nagpipipindot sa hawak ko at kinokontrol iyon.
Hindi ko pa man nakikita lahat ng pagpipilian ay pinili ko na iyong lalaking katamataman lang ang katawan na karakter. Wala siyang anumang sandata o armas na hawak manlang.
Nang matapos ay tapos na din pala si Kienne. Napatingin pa ako sa pinili niya at nakitang malaki ito, malaki ang pangangatawan lalo na sa parte ng dibdib at braso, wala rin itong sandata o armas na hawak.
Gayunpaman ay hindi ako nagpaapekto dahil sa aking natutunan ay ang kakayahan ang pagbabasehan sa laro lalo na ang kumokontrol nito ay kailangan ng plano at magandang teknik upang bumaba ang 'H.P.' daw hanggang sa hindi na nito kaya o sa salitang 'K.O.' na ang ibig sabihin daw ni Ash ay pagkatalo.
Itinuro din niya kung paano gagamitin ang hawak ko, itinuro niya ito kanina lang nang wala pa si Kienne dito pero ito ay saulong-saulo ko pa at parang hindi ko na ito malilimutan pa.
Sa hawak kong controller ay hindi lang isa o dalawa ang buton na gagamitin, marami pa ito at may kaniya-kaniya itong silbi at gawain.
Sa kanang bahagi ay may apat na buton. Nakalagay don ang isang letra sa bawat buton, ito ay ang letrang A, B, O, at letra daw na 'X'. Ito ang gagamitin sa pang-atake ng karakter.
Sa kabilang bahagi naman ay isang buton ngunit ito naman ay kakaiba sa ibang buton, ito ay nagalaw at pwede itong ipihit sa kanan, kaliwa, paharap o patalikod. Ito daw ang nagkokontrol sa karakter kung ano ang gusto ng manlalarong igalaw ito kung saan.
Marami pa itong ibang buton sa gitnang taas pero sabi daw ay hindi ito kailangan sa larong ito. Pwede daw ito kung iba o angkop ang lalaruin.
Nagitla pa ako ng may tumunog na sa tingin ko ay nanggaling sa isinuot sa aking tainga. Hindi masiyadong malakas at hindi rin naman mahina pero nagitla pa rin ako dahil hindi ko ito inaasahan.
Nagsimula ang laro at lagi ako ang natatamaan at ni minsan ay hindi ko matamaan ang kalaban.
Sigurado akong sanay na dito si Kienne dahil hindi naman kasi siya nag-iingay at nagsisigaw kapag natatamaan niya ang kalaban. Kapag ako ang aatake ay iniiwas niya ang karakter at mabilisan akong aatakihin din sa paraang hindi pa natatapos ang teknik ng karakter ko.
Nagisip-isip ako kung ano ang magandang teknik upang maiwasan siya at ako naman ang aatake.
Nang makalayo ang karakter ko ay ni isa ang hindi sumugod. Habang naghihintay siyang sumugod ako at sumugod nga ako pero hindi ko ito inatake at siya naman ang pagyuko ng karakter niya kaya pinayuko ko rin ang karakter ko upang dito siya atakihin.
Pinindot ko ang letrang B para sumipa ang karakter na siya naman pagtama sa kalaban, hindi pa ako nakuntento ng pindutin ulit ang kaninang letra para sumipa muli hanggang sa kakapindot ko nito ay tumalon ng bahagya ang karakter ko at doon sumipa sa ere na nagpatalsik sa kalaban.
YOU ARE READING
Inverse
Romance"Inverse..." "Magkaiba...Magkasalungat..." Ilan lang yan sa meaning ng hindi magkapareho... Pero... Baka naman puwede pa rin tayong maging pareho... kahit hindi tayo pareho at may pareho tayo. A/N: The characters and the scenes are only made in Aut...