'Inverse Variaton' basa ko sa pinapasulat ng aming guro.
"Class, the Inverse Variation occurs whenever situation produces pairs of number whose product is constant. So kumbaga reverse o magkasalungat ang dalawang numbers, if ang X ang mababa, ang Y naman ay pataas kesa dun sa partner nyang si X. Let's give an example sa pang araw-araw nating buhay... let's just say na malayo yung tinakbuhan mo, pero napagod naman--"
"Sir!" Biglang singit ng aking kaklase habang nagpapaliwanag si sir.
"Can I give an example?" Excited na ani pa niya.
Tumango naman si sir bilang pagtugon at handa rin makinig.
"Well, kapag ba binigay niyo na ang lahat-lahat sa kanya tapos hindi niya sinuklian, Inverse na rin 'yun?" Nakangusong dagdag niya pa at umupo.Ang iba naman ay parang apektado sa ginawa niyang halimbawa
"Puwede na rin yan. Very good, pero Ms. Aban, wag munang lovelife ha? Math ang pinaguusapan natin kaya dahil diyan, siguro naman marami ng nakaintindi sa inverse variation noh? Kaya meron tayong quiz mamaya."
Ngumiti siya saming lahat at nagpatuloy sa pagsusulat sa blackboard.
Bigla naman akong napaisip sa unang diniscuss ni si Sir kanina.
Parehong pareho sa mundong ito ang ipinaliwanag.
'Inverse...magkaiba...magkasalungat...'
YOU ARE READING
Inverse
Romance"Inverse..." "Magkaiba...Magkasalungat..." Ilan lang yan sa meaning ng hindi magkapareho... Pero... Baka naman puwede pa rin tayong maging pareho... kahit hindi tayo pareho at may pareho tayo. A/N: The characters and the scenes are only made in Aut...