Chapter 11

12 3 0
                                    

"Revenge"

Alienna's POV

*Continuation of Flashbacks*
(At the event...)

"Alieyah! Is it you?" Tanong ng humila sa akin.

Gulantang naman akong tiningnan siya.

"D-Dayvin?" Tanong ko pabalik ng maalala ang kaniyang boses at mukha dahil hindi naman siya nakamake-up at nakasuot ng costume tulad ng sa akin.

Kumunot naman ang noo niya. "You're kidding me, right? It's me, Kevin." Sabi niya. Natauhan naman ako dahil katulad ito ng magkita kami ni Alieyah.

'Magkamukha... magkapareho...'

"You didn't showed up for a month. Are you happy to see your boyfriend again?" May lambing na tono niya at hinawakan ang kamay ko.

'B-boyfriend?!'

Di ako makapaniwala. Si Dayvin na kamukha niya ay matalik na kaibigan ko at lagi niya akong inaasar, pero bakit naging kasintahan ito ni Alieyah sa mundong ito?

"Ah-eh, hindi ako si Alieyah. Pasensiya na." Sabi ko at tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin.

Tinanggal ko man ay hinawakan niya ulit ito. "No, your voice are the same and I heard them calling your name. Even though I can't tell because of your make-up. But I'm sure you're Alieyah."

Hindi ko naman alam ang gagawin kung gagampanan ko ba ang buhay ni Alieyah at magpapanggap na girlfriend niya, pero labag ito sa loob ko.

"Nagkakamali ka, Alienna ang ngalan ko, heh-"

"Alienna." Tawag sa akin ng pamilyar na boses.

Napatingin naman kami sa likuran namin at nakita si Ash na naglalakad palapit sa amin.

"M-Mr. President..." Tawag ng lalaki ng makalapit si Ash.

"Good to see you, you've just met my GIRLFRIEND, Alienna" Sabi niya rito. Napabitaw naman ito sa kamay ko ng mapatingin si Ash dito.

'G-girlfriend?!'

Natauhan naman siya tsaka nagbaba ng tingin. "I-I'm sorry President, I thought she's someone I know, I will never disturb your girlfriend again." Paumanhin niya rito. "I-I'm sorry..." Sabi naman niya sa akin at parang napahiya tsaka umalis.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi niya ako nakilala sa mukha sa tulong ng make-up ko.

"Narinig mo ang lahat, tama?" Pagkukumpirma ko para hindi na ako magpaliwanag. Nag-iwas naman siya ng tingin tsaka tumango.

"Salamat... nga pala, akala ko ba hihintayin mo na lang ako sa court?" Tanong ko at napataas ang kilay ko.

"Tss. You're not even gone to this University, you might get lost." Sabi niya tsaka ngumisi.

Napamaang naman ang labi ko.

'Malapit na nga ako sa building eh..'

Magsasalita pa sana ako nang hawakan niya ako sa kamay at nilagyan ito ng alcohol na nasa maliit na bottle spray.

'Saan nanggaling ang alcohol?'

Binigyan ko naman siya ng nagtatakang reaksiyon. "He held your hands, he might have sick. Let's go."

"T-teka..." Pagkatapos no'n ay hinila na niya ako pabalik sa event...

Kahit hindi pa ako nakakapag-c.r...

InverseWhere stories live. Discover now