Chapter 20

3 2 0
                                    

"First Meetings?"

Alienna's POV

"Pwede mo na ba kong bitawan?" Tanong ko dito dahil kanina pa ako nangangalay sa pwesto namin.

"No." Agad na sagot nito.

"I'll let go, only if you sing the one you sang before." Request nito kaya napanganga ako.

Natatandaan niya pa yun? Aksidente lang naman niyang narinig yung pagkanta ko eh tsaka hindi ko na nga alam yung lyrics nun.

"Ayoko!!!" Sigaw ko at nagpupumilit na kumawala.

"Kanina mo pa ko hindi sinasagot tapos may parequest-request ka pa." Pinagtulakan ko siya ngunit hindi naman tumalab.

"What answer do you want to hear?" Bulong niya sa may tenga ko.

"Y-yung kanina! Tanong ako ng tanong kung saan tayo pupunta t-apos di mo naman sinasagot." Pagtataas ng boses ko.

"Umm... Okay...

So.... Hindi tayo magkokotse kase maglalakad tayo. And we're here because I said to you that we're going out." Malumanay ang pagkakasabi niya non ngunit sa akin, para bang sarkastiko ang pagkakasabi niya.

'May point naman siya, bakit pa pala ako nagtatanong? (ノಠ益ಠ)ノ┻━┻'

"E-eh yung "I"?" Sunod na tanong ko. "Tsaka yung "I'm"?"

Matagal bago siya sumagot.

"I...

want

an

icecream."

"And..."

"I'm...

craving

for

it." Dahan-dahan ang pagkakasabi niya nito at ramdam ko ang pagtawa niya ng walang tunog.

-.-

"Talaga, Mr. Levhoir?" Seryosong sabi ko.

Napa ehem naman siya.

Pero dahil don, biglang pumasok sa alaala ko yung time na natikman niya yung vanilla icecream pati narin yung kadungisan namin nung araw na iyon.

"Malamig ngayon, hindi pwede ang icecream." Sabi ko para sabayan yung joke niya.

"I want to tell you... that..."

"I'm keeping it for a long time..." Seryoso at mabagal niyang sabi.

Hindi na iyon mukhang joke sa akin kaya sumeryoso na din ako.

"I'm freezing here." Muli ay gusto ko na siyang sipain.

"Umayos ka nga!" Sigaw ko at hinampas siya, naging way din ito para bitawan niya ko.

Lumayo ako ng konti sa kaniya para huminga ng madaming hangin.

Masama pa rin ang tingin ko sa kaniya.

"I'm just making you smile." Sabi nito habang nakangiti.

Pinandilatan ko siya ng mata kaya agad niyang itinaas ang kaniyang dalawang kamay sa ere. \(⇀‸↼‶)/

Magsasalita na sana ako ng mag-ring bigla ang phone ko na nasa bulsa ng jeans ko.

InverseWhere stories live. Discover now