Chapter 10

14 3 0
                                    

"Who's Who?"

Alienna's POV

"There we are..." Sagot ni Ash at ibinalik ang charcoal pencil sa case nito.

Napangiti naman ako nang maalala ang naging laro namin.

Out of five ay wala siya kahit isang panalo kaya ang suggestion ko ang ginawa namin.

Magkaharap kami upang hindi makita ang ginagawa ng isa't-isa.

'Masusurprise daw ako kapag nakita ko ang output niya.'

"Ako rin tapos na." Sabi ko at ibinalik na rin ang mga gamit sa lalagyanan.

Hindi pa man ipinapakita ang gawa ko sa kaniya ay nauna na niyang ipakita ang gawa niya sa akin.

"Hmm... Ano iyan? Famous Artist level ba ang gawa mo?" Tanong ko rito.

Nakita ko kase sa research yung mga famous artist na ang mamahal ng paintings nila kahit simple lang ang mga stroke sa arts nila.

Napatingin ako sa kaniya at mukhang proud na proud siyang ipakita ang kinalabasan ng gawa niya.

"It's a mermaid." Sabi niya tsaka pinagmasdan ulit ang pagkakagawa niya. Napataas naman ang isang kilay ko.

"Asan?" Curious na tanong ko. Baka kasi magjoke nalang siya na umalis na yung sirena sa drawing.

Pinagmasdan ko ulit ang gawa niya at hindi ko man lang nakita yung mermaid na sinasabi niya.

'Andumi kase hehe...'

Nagkalat ang charcoal sa paligid at dark na dark ang mga strokes at shading sa mga dark parts.

"There, tss." Turo nito sa gitnang bahagi. Pinagkatitigan ko naman ito ng maigi tsaka mahinang natawa.

"Pfft... That's not a mermaid." Sabi ko sa kaniya at hindi pa rin mapigil ang pagngiti ko.

"It is." Confident na aniya.

"Nooo, it's not, haha. Look." Sabi ko at ipinakita sa kaniya ang aking gawa. "Our theme was the same! What a coincidence..." Namamanghang sabi ko pa.

"Yours is like a sea lion or a dugong, pfft." Biro ko.

"Tsk... It's the same. Your work is just sexier than mine." Pagpupumilit niya. Tatawa-tawa ko naman siyang inirapan.

"Give me that!" Sigaw niya nang kinuha ko yung sea lion na gawa niya at akmang pipicturan.

"Just one take!" Sigaw ko sa kaniya habang pinauulanan ng kuha ang drawing dahil sa likot nito.

*Flashbacks*
1 year earlier...
(1 month since Alienna's lived in the house.)

"Ibibigay mo talaga 'yan sa akin?" Di makapaniwalang tanong ko kay Kienne habang kumikinang pa ang mga mata ko.

"Uh huh... Marunong ka... naman ng... gumamit... niyan diba?" Sabi niya habang nginunguya ang ginawa kong nachos.

"Yeah, yeah... Thanks!" Sabi ko at agad binuksan ang binigay niyang phone.

Pagkabukas ay agad kong nabuksan ang camera dahil iyon ang unang napansin ng paningin ko.

Nagulat pa ako dahil naka front cam ito at mukha akong ewan dahil sa mukha ko.

Agad naman akong nag pose para maganda ang picture ko.

Tumigil rin naman ako ng makakuha ng isang litrato ko. Hindi naman ako pinansin ng matakaw sa tabi ko.

InverseWhere stories live. Discover now