"Herah Artemis"
3rd Person's POV
"You'll be my partner."
"Huh?" Ani ni Alienna ng higitin siya ni Adrian sa pila ng kanilang section.
"Don't tell me you know this activity we will perform?" Paninigurado ni Alienna.
"Ofcourse. I'm the President, remember?" Sarkastikong sabi ng presidente.
Napairap nalang si Alienna at pumayag na rin sa kung anumang partner ang sinasabi ng binata.
"Okay, listen here." Ani ng kanilang coach na subject teacher din nila.
"This activity will determine your teamwork, and ofcourse working with the other section, too." Paliwanag ng coach.
"Teamwork with other section?" Tanong ni Alienna sa sarili.
"You can now start by choosing a partner from your own section. Then later, I will pick a team and draw one team from the other section. The one I will draw from the other section will be your teammates too, okay?"
Mahaba man ang instructions na iyon ay walang nagtanong sa kaniya at nagsimula na silang maghanap ng partner.
"Oh I forgot, your partner must be opposite of your gender ha?"
Lahat ay napahinto dahil sa sinabi nito.
Lahat naman sila ay ay natuliro at naghanap ng bago nilang partner.
Ang dalawa naman na sina Alienna at Adrian ay nakatayo lang at iniintay na matapos ang lahat.
Napatingin si Alienna sa kaibigan na mayroon na ding partner.
Sa kabilang banda naman ay napatingin siya sa ibang section na kaliwa't kanan din ang paghahanap ng partner.
Hinanap din ng kaniyang mata ang binata sa kabilang section upang tingnan kung mayroon na din ba itong partner.
Tumaas ang isang kilay niya ng makilala ang naging partner nito.
'Bakit siya pa?!' Ani niya sa isip at napa-grind ng ngipin.
Hindi siya makapaniwala na ang nakita niyang babae na kasama ni Ash habang naglalakad sa hallway dati ay kaklase at kapartner pala ni Ashton.
"Thanks for allowing me." Nakangiting ani ng babae kay Ashton at tumabi sa gilid niya.
Nakita iyon ni Alienna at para bang gusto niyang itulak ang babae sa hindi malamang dahilan.
Hindi sumagot si Ashton sa pasasalamat ng dalaga at itinuon nalang sa kabilang section ang kaniyang paningin.
Pagtingin ng binata sa kabilng section ay nagkataong napatingin siya sa direksiyon ni Alienna.
Walang reaksiyon ang mukha ni Ashton pero sa loob-loob niya ay nabigla din siya dahil saktong dun siya unang napatingin.
Nanlaki ang mata ni Alienna ng magtama ang kanilang paningin.
Hindi niya inaasahan na magtatama ang kanilang paningin kaya sobra ang kaba niya ngayon dahil walang gustong pumutol ng titigan nila.
Nakita ng binata ang pagkabalisa ng dalaga kaya ngumiti siya ng may panunukso dito.
Napaatras ng kaunti si Alienna sa gulat ng biglang ngumiti sa kaniya ang binata.
YOU ARE READING
Inverse
Romance"Inverse..." "Magkaiba...Magkasalungat..." Ilan lang yan sa meaning ng hindi magkapareho... Pero... Baka naman puwede pa rin tayong maging pareho... kahit hindi tayo pareho at may pareho tayo. A/N: The characters and the scenes are only made in Aut...