Chapter 1

28 4 2
                                    

"Pareho pero hindi pareho"

Someone's POV

Nandito ako ngayon sa locker ko para kuhanin ang Math notebook ko, kailangan ko iyon para masulat lahat ng ile-lesson mamaya sa Math para next exam ay may reviewer ako.

Nang masigurado nakasara na ito ay bumungad naman sa akin si Janna na nasa likod ng locker's door na kanina ay bukas.

"Alien! Did you hear the news? Alam mo ba ang gagana--" natigil sa pagsasalita si Janna dahil sa pag ring ng bell

Hinila ko na siya para makapunta na sa room at hindi malate

"Alienna ang pangalan ko at hindi 'Alien' (👽). Hindi naman magkatunog ang salitang 'Aliinna' at 'Elyen'." Masungit na sabi ko sa kanya pagkarating namin sa room.

"Duhh? Parehas kaya sila ng spelling, nadagdagan lang ng isa pang N at letter A sa last name mo yung difference" Pag tatama niya saka umupo

"Whatever." Sabi ko nalang at kunwari ay may hinahanap sa bawat page ng notebook.

Dumaan ang lahat ng subjects maghapon at puro discussion lang naman lahat ng iyon at recitation.

May in-announce din na may gaganaping pageant daw sa University namin.

'Mr. And Ms. Mariejoa Campus' ang tatanghaling mananalo sa event.

Bago kami umuwi ay inaya niya muna akong pumunta sa cafeteria.

Nagugutom na naman kasi siya.

"Yiee! I will join that pageant! I'm excited na! May isusuot na nga ako eh." Sabi ni Janna at nagtatalon kahit nakain pa siya.

"Kung ako sayo, wag na. Bilbil lang ang makikita nila sayo." Banat ko sa kanya.

Sinamaan naman niya ko ng tingin at umupo.

"Tsee! Minsan lang sila makakakita ng sexy kaya pagbigyan ang mga nilalang. Dami kayang pumupuri sa ka-sexyhan ko!" Pagyayabang niya tsaka sumubo nang sumubo ng fries.

"Di lang beauty ang need don, you need to have B-R-A-I-N."

"May brain din ako noh! Kung 1 to 50 ang question dun ay siguradong sabog na ko pero isa lang ang tanong kaya kering-kering ko nalang yun." Pagpupumilit pa niya.

"Okay... pero alam mo ba..."

"Ano?"

"Nakita ko yung list ng sasali.."

"Ano nga?" Nayayamot na sabi niya at humigop ng iced tea.

"Kienne Ramos will join too." Pagpapatuloy ko.

"WHAAATT?! KIENNE?!" Sigaw nya. Nanlaki naman ang mata ko dahil sa pagsigaw niya at lumingon-lingon sa paligid kung may naistorbo ba sa lakas ng boses niya pero luckily, wala naman.

"Pero, well.. wala na pala akong pake sa kanya. I don't care at all." Bawi niya sa sinabi niya kanina.

Pagkatapos naming kumain ay agad na kaming umuwi.

Pagdating naman sa bahay ay wala akong dinatnan sa loob.

Nagbihis at nag ayos lamang ako at humiga na agad sa kama.

Bigla namang nagvibrate ang phone ko sa side table ng kama, inabot ko naman iyon at binuksan.

>FROM JANNANA:
👽! Gosh! Aliena!! Nakasabay ko si Kienne kanina sa convenient store... tinalapid niya ang paa ko, subasob sa tiles ang magandang mukha ko huhu 😭
7:34pm

InverseWhere stories live. Discover now