Chapter 15

11 3 0
                                    

"Late"

Alienna's POV

"Ugh-h...??" Ang tanging sambit ko ng magising ako. "A-ah!" Napa-aray naman ako dahil sa sakit ng kanan kong braso na nadaganan ko pala.

Agad naglinaw ang mga mata ko dahil doon at napatingin nalang sa lagay ko at sa paligid.

Nakita kong nasa sahig ako na medyo malambot at may upuan din sa likod ko.

'Nalaglag ba ako?!'

Kamot ulo akong tumayo at bumalik sa inuupuan kahit na medyo nanghihina pa ako.

Kinusot-kusot ko ang mata ko para gumising na ng tuluyan at napansin ang parang umaandar na paligid.

Napatingin ako sa harap at nakitang nasa kotse ako.

"What are you doing down there?" Bigla ay tanong sa akin ng nasa harapan na nagda-drive.

Napatingin ako sa salamin sa harapan at nakita ang mga mata ni Preside--eh ni Adrian na tutok sa daan.

Bigla ay aalala ko ang mga nangyari kanina.

'I fell asleep!'

"Why didn't you wake me up?" Tanong ko dito dahil sa kahihiyang ginawa ko.

"I don't want to bother you, beside... it's not my fault, do I?" Sabi nito habang nakafocus pa rin sa harap.

Napasandal nalang ako sa upuan at napatingin sa bintana, tinatanaw ang mga dumadaang poste na may ilaw na nasa gilid ng kalsada.

Napangiti naman ako ng maalalang muli ang nangyari kanina.

Parang nawala bigla ang mabigat na pakiramdam ko at napalitan ng masayang pakiramdam.

"We're here." Anunsiyo nito kaya natauhan ako at napatingin sa kaniya.

Napatingin ako sa kabilang bintana at nakita ang bahay ni Ash.

Hindi na ako nagtanong pa kung paano niya nalaman ang bahay ko dahil naisip ko na baka tiningnan niya na ang background ko sa mga forms na nasa school.

"Hey! We're not done talking yet you want me to go inside?" Hindi makapaniwalang sabi ko sa kaniya.

Marami pa akong gustong malaman at sabihin sa kaniya...

"There's so many times we can talk, but it's late now, okay?" Pag-papaintindi niya sa akin kaya napasang-ayon na rin ako.

"Come inside." Aya ko ng makalipat ako ng puwesto at makapunta sa tabi ng driver's seat para kausapin siya.

"Nah, I need sleep now." Pag-ayaw niya. Humaba naman ang nguso ko dahil sa sagot niya.

Huminga ako ng malalim at kinuha ang bag ko para lumabas na.

"Alienna." Tawag nito kaya napatigil ako sa pagpihit ng pinto.

"I'll see you tomorrow." Walang gana kong sabi at tuluyan ko ng nabuksan ang pinto.

Baba na sana ako nang bigla niyang hinila ang pulsuhan ko at bigla akong niyakap.

Nanlaki naman ang mata ko dahil sa ginawa niya.

"I missed you." Tatlong letra pero sobra ang epekto sa akin. "So much, Nana." Walang bahid na lungkot nitong sabi. Kahit na kasuwal ang pagkakasabi niya dito ay nararamdaman ko ang pag-kasinsero niya.

Niyakap ko rin ito at tinap-tap ang likod niya.

Mga ilang minuto rin kaming ganoon ng magsalita siya. "Baka gusto mo nang bumitaw?" Tanong niya sa akin kaya agad akong napabitaw ng maramdamang hindi na nga siya nakayakap sa akin at tanging ako lang ang hindi bumibitaw.

InverseWhere stories live. Discover now