Chapter 9

13 4 0
                                    

"Rock, Paper, Scissor"

*Continuation of Flashbacks*
1 year earlier...

Pagpasok namin sa mall ay hindi ko maipakita ang pagkamangha ko dahil sa kaninang nangyari sa labas. Matamlay ang paglalakad ko pero namamangha naman ang isipan ko sa bagong nakikita sa loob.

May gumagalaw na hagdan na ang tawag ay escalator at iba't ibang uri ng shop sa bawat palapag nito.

Gumala-gala lang ang paningin ko ng walang buhay dahil sa pagkapagod ng aking mata.

Tumaas kami gamit ang kuwartong tumataas na ang tawag pala ay elevator at kusang nagbubukas kapag may pinindot kang button.

Nabasa ko naman sa itaas ng pinto ang '5F' at biglang nagbukas ang pinto na siya namang paglabas namin sa masikip na kuwarto.

Ilang minuto lang ay huminto na si Ash sa paglalakad. Nasa tapat na kami ng isang shop na puro iba't ibang damit ang makikita at kitang-kita kung gaano kamahal ang mga presyo nito dahil sa mga magagandang klase.

May lumapit sa aming isang babaeng kulay pula ang damit at siya ang nag-asikaso sa sinasabi ni Ash.

Nawalan naman ako ng gana sa sinasabi nila dahil panay ingles ang sinasambit nila.

Naghintay nalang ako sa pinto at nakatingin lang sa kanila upang hindi mawala sa paningin ko si Ash.

Nawala na din ang pananamlay ko kanina sa nangyari.

Hindi naman nagtagal ay may inilapag ito sa malawak na counter ang tatlong malalaking kahon na kulay itim na wari ko'y costume nila Ash.

Tumawag naman ang babae ng isang lalaking katrabaho niya ata at kinausap saka kinuha ang mga kahon at ilalagay ito sa likod ng sasakyan na ginamit namin batay sa naintindihan kong mga salita.

"Do you want to eat or something?" Tanong niya sa akin at naintindihan ko naman.

"Hindi na, sumama lang naman ako para makita ang Mall."

"No. We will eat." Pagkasabi niya non ay hinawakan niya ang pulsuhan ko tsaka hinila kung saan.

'Nagtanong pa siya, siya rin naman ang nagdesiyon...'

Nang makahanap ng isang restaurant ay mabilis siyang nag-order.

Narinig ko pa ang bawat pangalan ng kaniyang binanggit.

'Takoyaki?... Cheese Cake?... Ano nga ba yung drinks?'

Tahimik kaming kumain at bigla naman akong nagkaroon ng gana ng matikman yung takoyaki. Pusit pala ang isa sa sangkap non...

At ang cheese cake ang pinaka-masarap sa kanila dahil overloaded ang keso nito sa ibabaw.

Nang matapos ay naglakad-lakad kami sa loob ng Mall.

Lahat ng nakita ko ay kakaiba sa aking paningin at hindi nawawala ang pagkamangha ko mula rito.

"Do you need anything? I'll buy it." Sabi niya sa akin.

"No... English speaking... I'm about... to learn pa." Sagot ko habang ang dalawang braso ay gumagawa ng ekis.

Natawa nalang siya dahil sa accent ko at napa iling-iling.

Malapit na kami sa parking ng Mall nang matanaw ko sa di kalayuan ang sasakyan ni Ash.

Nabuhayan naman ako ng loob dahil kapag nakapasok ako doon ay hindi na ako mababahala at mamomroblema katulad nung kanina.

InverseWhere stories live. Discover now