Chapter 17

17 3 0
                                    

"Mistake"

*Flashbacks*
1 year earlier...
(1 month since Alienna's lived in the house.)
+Continuation on the event, "2d Party"+

A/N: If you forgot the event, please re-read Chapter 10 and 11. (don't be lazy to check~~)

Alienna's POV

"Ali! Come here, we'll take a picture!" Sigaw ni Janna nang makabalik kami sa table na nireserve nila.

Hindi na ako tumingin pa kay Ash at tumabi na kay Janna.

Kahit ayaw ko namang magpakuha ay sinabayan ko na lang siya sa pagngiti para hindi naman ako magmukhang masungit.

Habang kumukuha ng litrato ay nabaling ang tingin ko sa lugar.

May nagkakatuwaan at may mga nagsasayaw ng kung anu-anong step.

'Ganyan ba ang ginagawa sa isang party o pagdiriwang? Bakit hindi sila nasayaw ng pormal?'

Napailing nalang ako nang maalala na madami palang uri ng pagdiriwang ang nabasa ko, pwedeng pormal, impormal, o di kaya para mag-aliw.

Pero pormal na pagdiriwang lang ang nakasanayan ko at ang aming ginagawa.

Natawa nalang ako sa aking isipan ng maisip na, paano kung ganyang mga style ang makita sa amin?

Naiisip ko palang ay siguradong gulat na gulat ang mga mata nila sa nakikitang mga di-kaaya-ayang mga galaw at kanilang mga kasuotan.

"White Aliedy." Tawag sa akin ni Kienne, nang-aasar na naman.

Lumingon ako sa kaniya ngunit agad din akong umiwas ng mas nauna kong mapagmasdan si Ash na katabi niya.

Nahihiya pa rin ako sa nangyari kanina, baka mamaya maisip niya na kilala ko talaga ung lalaking iyon na kamukha ni Dayvin at baka panghinalaan niya pa ako.

Habang tulala ay agad tumalbog ang puso ko dahil sa pagbabago ng music.

Parang binobomba ang puso ko dahil sa maingay na speaker na nagba-vibrate tuwing nagbi-beat ang music.

"Sayaw tayo Ali!" Yaya sa akin ni Janna at hinawakan ang kamay ko para sumama.

Napatingin ako sa paligid at nakitang ang mga tao ay parang mga nakawala at sumasabay sa kantang mukhang ewan ang tunog.

Agad akong napatingin kay Janna ng nakaangat ang kilay at winave ang kamay ko habang nakangiting umiling-iling sa kaniya.

Napanguso nalang siya pero agad na siyang bumitaw sa akin at si Kienne naman ang niyaya niya na agad na umoo tsaka sabay na umalis.

Kumaway pa sa akin si Janna hanggang sa di ko na siya nakita pa dahil sa mga taong humarang.

Natahimik ako, mukha akong batang nawawala at na-out-of-place.

"Why don't you dance?" Biglaang tanong ni Ash na sumulpot sa tabi ko.

"Sayaw ba iyon?" Walang halong sarkastiko kong tanong sa kaniya.

Natawa nalang siya at napailing. "Eh ikaw, bakit di ka sumama kina Kienne?" Tanong ko pabalik sa kaniya.

"It doesn't fit me, I don't like to dance." Sagot nito.

Nagmasid ako sa mga tao at ibinalik ang tingin ko sa kaniya. "Eh? Gagano'n ka lang oh, tataas mo lang yung kamay mo tas medyo sasabay ka don sa tunog." Sagot ko dito at itinaas ang kanang kamay ko para ipakita yung step.

InverseWhere stories live. Discover now