Chapter 12

14 3 0
                                    

"Princess"

Alienna's POV

"Text me if you saw my grades, huh?" Sabi ni Janna sa akin.

"It's probihited so, NO" sagot ko naman at bumalik sa paghahanap ng stapler sa aking locker.

"Eh? Then tell me if it's bad or good."

Hindi na ako nagsalita pa nang mapadpad ang aking tingin sa mga arts material na nasa dulo.

Kinuha ko iyon at nakita ang hinahanap ko.

Matapos makuha ay isinaayos ko ulit ang mga gamit sa kanilang puwesto.

Habang isinasaayos ay napansin ko ang isang panyo na maayos ang pagkakatiklop.

Kinuha ko ito mula sa pinakababang locker at inalis sa pagkakatupi-tupi nito.

"What's that?" May halong kyuryusidad niyang tanong.

Umupo rin siya upang makita ang hawak ko.

"A necklace?" Tanong pa nito kahit kita naman na kuwintas nga ito.

Sinuot ko naman ito at napangiti.

Ngayon ko nalang ulit ito naisuot at masaya ako dahil hindi siya nailaw.

"I've never seen you wearing that-- Omo!... Did you stole that? Look at you! You're grinning!" Histerical na sabi nito sa akin at tumayo.

Tumayo rin ako at binigyan siya ng seryosong tingin.

"I'm just kidding, hehe. By the way, It looks good to you. You must wear it all the time." Masayang sambit nito.

Bumalik na kami ng room ng mag ring ang bell.

Pagkaupo sa kaniya-kaniya naming seats ay bigla namang nag-ring ang phone ko na nasa bag.

Kinuha ko ito at tiningnan ang tumatawag na si Ash.

Sasagutin ko na sana ito ng may humablot mula rito.

Napatingin naman ako sa kaniya at nakitang in-end call niya ito.

Napanga-nga nalang ako dahil sa ginawa niya.

'I didn't do an end call ever!'

Sinamaan ko ng tingin ang President dahil sa ginawa niya.

Hindi naman niya ito pinansin at ibinulsa na ang phone ko.

"You can take it later." Sabi niya sa akin. "No phones inside." Dagdag niya pa at parang pinaa-alala sa akin ang mga rules.

Naningkit naman ang mata ko at pabagsak na umupo sa aking upuan.

Nagsimula ang klase nang puro quizes at discussions lang about the next quarter.

Buong oras ay dito ko iginugol ang atensiyon ko hanggang sa magdismiss ang klase.

Nagpaalam naman agad sa akin si Janna bago umalis.

Ang iba naman ay paalis na rin habang ako ay inaayos ang sarili at mga gamit bago pumunta ng office.

Nang makatayo sa aking upuan ay agad kong naalala ang phone ko kaya agad akong lumapit sa class president na nasa harapan ng board.

Nakatayo lang siya doon at iginagala ang paningin sa loob ng room at parang inaalam kung nakauwi na ba ang lahat.

Nang makalapit ay agad kong inilahad ang palad ko sa kaniyang harapan.

He just look at me emotionless and then took out the phone inside his pocket.

Pero bago pa man ibigay sa akin ay nangunot na ang ang kaniyang noo habang nakatingin sa akin.

InverseWhere stories live. Discover now