Chapter 15

91 2 2
                                        

Chapter 15

“Talino ha.” Bati ko kay Kobe nung palapit siya sa direksyon ko. Kakatapos lang nang quiz bee nila at siya ang nanalo. Taray nang lolo niyo. Ang talino niya dun sa part na yun.

Di niya naman ako sinagot. Ngumiti lang siya.

“Nahirapan ka ba?” I asked.

Di niya ulit ako sinagot. Umiling lang siya. I’ll take that as a no.

“Ang galing niyo nila Leo. Penge namang katalinuhan diyan oh!” pangaasar ko. Iniextend ko pa yung palad ko parang nanghihingi talaga.

Tinignan lang niya yung kamay ko at binelatan ako. Bat ba tamad na tamad to maggsalita? Pipi ba to? Porket nanalo lang siya ganyan na siya. Epekto ba yan nang quiz bee? Over ha.

“Huy magsalita ka naman.” Pangingulit ko

“Salita.” He said expressionless

“Thanks” I said sarcastically

“Welcome” he responded

Kainis siya! Ang boring niyang kausap. Batukan ko kaya to baka sakaling tumino joke.

 Pero teka. Nasan ba si James? Sabi niya magcc.r lang daw siya. Ang tagal naman. Nilamon na ba siya nang kubeta? Or baka may nangyaring masama na sakanya! Grabe panaman yung pagkagulat niya nung nakita niya si Aia. Ano bang meron dun? Para talaga siyang nakakita nang multo e.

“Wait lang Kobs!” sabi ko at lumabas na ako nang AVR

Pumunta ako sa labas nangboys c.r.

“Nandyan ba si James?” tanong ko dun sa nerd na kakalabas lang sa C.R

Umiling naman siya. Tamad din ba to magsalita? Ano ba naman tong mga nerds na to!

San kaya nagpunta si James? Sa Library kaya? Pero imposible naman yun. Magpuputi muna ang uwak bago maisipan ni James pumunta sa Lib. Teka sa cafeteria? Pero kakagaling lang niya dun. Wala naman siya siguro sa room dahil bawal kami pumasok ngayon sa classroom dahil may quiz bee sa AVR.

Alam ko na! Sa Playground yun pupunta. Walang tao sa play ground e. Allergic ang mga nerds dun.

Tumakbo naman ako papuntang play ground. Pero teka bat ko naman to ginagawa? Bat ko naman susundan si James? Di bale na nga. Malapit na ako e.

Pagkarating ko sa play ground, nakita ko agad si James at.. Kasama niya si Aia? Naguusap sila. Mukhang seryosong usapan. And wait. Magkakilala sila?

Magkatapat silang dalawa. Tanging ang swing lang ang humaharang sa kanila. Sobra yung pagkaseryoso ni James ngayon. Parang hindi siya.

“James..Aia?” sabi ko. Nilingon naman nila akong pareho. Nagulat sila nung makita ako. Unti unti akong humakbang palapit sa kanila.

“Babe!” bati ni James

“Hannah” sabi ni Aia

“Magkakilala kayo?” tanong ko

“Maybe yes” sabi ni James

“Maybe no” dagdag ni Aia

“I don’t get it” sabi ko

“She’s now just somebody that I used to know” kanta pa James! Di ko talaga maintindihan. Mag ex ba tong dalawang to or what?

“Are you guys.. ex lovers?” straight forward kong tanong na kinagulat nilang dalawa. Their eyes literally popped out, kidding.

“I think that’s personal” sabi ni James “Halika na nga babe. Awards na ata” tapos hinawakan ni James yung kamay ko. Ew. Inalis ko naman yung pagkakahawak niya sakin. Kaya ang ginawa niya hinawakan niya nalang yung braso ako at hinila na palayo kay Aia. Kaya naiwan si Aia na nakanganga dun.

Nerd UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon