Chapter 6

117 1 0
                                    

[Hannah's POV]

"Air enters the lungs mainly through the nose. The nasal cavity contains many bony projections." bla bla. Wala akong maintindihan. "Soft epithelial tissue covers these projections." wala akong paki sa epith chu chu na yan. "The epithelium contains tiny blood vessels called capillaries." Hays. sumasakit na ulo ko sa pinagsasabi ni Ashley! "Mucus secreting cells are also present."

"Wait nga ashley! Sumasakit na ulo ko eh! Kaylangan ba talaga nating imemorize yun? Like duh! Sapat na kayang alam natin na sa ilong tayo humihinga! Dami pang ek ek eh!" kapartner ko kasi siya ngayon sa The Human Respiratory Structure studies. Pinagpartner kasi kami ng teacher namin para imemorize yung lesson. Ang hirap! Dumudugo na utak ko! Tapos siya sisiw lang sa kanya! Unfair.

"Konti lang naman to oh? 10 pages lang naman imememorize." relax niyang sinabi.

What the shock?! 10 pages?! Srysly dude?! R U kdn me?!

"Wait lang Ash! Puwede bang magpahinga muna tayo?!" sabi ko sa kanya.

"What? 5mins palang ang nakakalipas simula nung nagmemorize tayo."

"Anong tayo? Ikaw lang kaya ang nagmememorize dyan."

"Sige na magmemorize na tayo. Kaylangan ko na kasing bumawi sa grades. Feeling ko kasi babagsak ako ngayong quarter." okay ka lang te? Ge.

"Sayo ko talaga naririnig yan ah? Anong babagsak?! Baliw ka ba? Perfect ka kaya sa mga test and quizes! Tapos babagsak? Anong pinaglalaban mo ha?"

Nagbuntong hiniga siya tapos tinanggal niya yung eye glasses niya na malaki ang frame tapos pinunasan ito at binalik ulit sa mata niya. "Ewan ko. Feeling ko lang kasi--"

"Hoy! Anong pagfifeeling yan?!" sabi ko sa kanya ng nakataas ang kilay.

May kumatok sa pinto"Miryenda na kayo." sabi ni Jenny, yung isa sa katulong ni Kobe. Nandito kasi kami sa bahay. Nasa kwarto ko kami nagmememorize chuchu.

"Sige tara na. Gutom na rin ako eh." sabi ko sakanya tapos hinila ko na siya pababa papunta sa dinning room. Ang daming niluto ni Manang Wena. Grabi naman. Dalawa lang kaya kami kakain!

"Wow! Ang daming pagkain!" Lumaki yung mata ni Ashley. Mukhang manghang mangha sa mga pagkain. Patay gutom din pala din tong isang to.

"Sige. Tara kain na tayo." sabi ko. Kukuha sana ako kaso may nagtap ng kamay ko.

"Pray muna kayo!" Kobe yan. Bigla biglang sumusulpot!

"Edi ikaw magpray." finold ko na yung hands ko. Tapos pumikit. "Aray!" bigla kasing may pumitik sakin! Si Kobe ata. "Ano ba problema mo?!"

"Ikaw na magpray! Para naman matuto ka!"

"Ayoko nga!"

"Ikaw na! Isa! Bahay ko kaya to kaya ako masusunod!"

"Eh ano naman! Body guard naman kita! Inuutusan kitaaaaa!"

"Ganyan po ba talaga sila?" sabi ni Ashley kay Manang Wena.

"Oo. Grabi nga yang dalawang yan. Nako. Baka sila pa magkatuluyan niyan."

"Hoy manang! Hindi ah!" sabay naming sinabi ni Kobe.

"Yuck. Over my dead body!" sabi ko

"Maka-yuck ka ah! Grabi ka naman!"

"Oh bakit? Ayoko sa mga nerds! Di marunong mag-ayos ng sarili! Tignan mo nga yang itsura mo! So Ewwy"

"Aba! Eh ako? Asa naman magkakagusto ako sayo! Ayoko nga sa mga babaing walang utak."

"Hoy! Sino sinasabihan mong babaeng walang utak?!"

Nerd UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon