Chapter 22

23 1 0
                                        


Taas noong naglakad si Hannah papasok nang classroom nila. Lahat ng mga tao ay nakatingin sa kanya na may halong pagtataka.

"Babe?" sambit ni James. Gulat siya sa nakikita niya.

Hindi kasi naka-uniform si Hannah. White sweater ang pangtaas niya at maong shorts ang pangibaba niya. Chuck Taylor Sneakers naman ang suot niyang sapatos. Kulot ang buhok niya at nakasuot siya ng sunnies na sunglasses.

Tumayo si Kobe sa pag-kakaupo niya. Kumunot ang ang noo niya sa nakita niya. Nakapako ang tingin niya kay Hannah habang papalapit siya sa dalaga. Hinawakan niya ang braso nito at hinila niya si Hannah palabas ng classroom. Bakas sa mukha ni Kobe ang pagkadismaya niya.

"Let go of me!" pag-pupumiglas ni Hannah ngunit wala siyang nagawa sa lakas ni Kobe.

Hindi binitawan ni Kobe si Hannah hanggang nakarating sila sa play ground, kung saan walang tao at tahimik.

"Anong ginagawa mo?" tanong ni Kobe

"What?"

"Ano yan? Bat mo suot yan?!" tinuro ni Kobe ang shorts ni Hannah "Ang ikli masyado. Sobrang ikli. Hindi na shorts yan!"

Hindi sumagot si Hannah. Tinaasan niya lang nang kilay si Kobe. Tumalikod siya at aalis na sana kayalang hinawak ni Kobe ang balikat niya at hinarap niya ito sa kanya.

"What do you want?! Are you my dad? I guess not. So back off" mataray na sagot ni Hannah. Tinanggal niya ang kamay ni Kobe sa balikat niya.

"Ginagawa mo ba to dahil nawala yung pam--" 

"Shut up. I don't want to hear any of your comments. Please leave me alone?!"

"Hannah! Ano bang nangyayari sayo? Di na kita kilala!" tumaas na ang boses ni Kobe. Hindi niya akalain na sasagutin siya ni Hannah nang pabalang. Naninibago siya sa kinikilos nang dalaga. 

Tumawa nang mahina si Hannah. Sarcastic laugh. "Wala akong pake sa sasabihin niyong lahat tungkol sakin. Eto ako. Eto ang totoong ako. Hindi mo ako kilala?" taas kilay niyang sinabi "Congrats Mr. Nerdy, you'll have the chance to know me"sabi ni Hannah at ngumisi



"Bwisit. Umalis ka nga sa harap ko." nakacross arms ni Hannang sinabi. Lumapit kasi si Leo sa kanya at gusto siyang kamustahin.

"Hannah?" gulat na gulat si Leo sa sinabi ni Hannah. Nanginginig siya at any time tutulo na ang luha niya.

"Di mo ba ako narinig?" ngumisi siya "Panget ka na nga. Bingi ka pa."

"Hannah!" awat ni Kobe "Anong ginagawa mo?!"

"Iniistorbo kasi ako niyang four eyed nerdy na yan" nagpamewang si Hannah "Ikaw, wag ka lagi sumusulpot. At wag kang mangengealam sakin. Ayoko sa mga paki-elamerong kagaya mo" tinap ni Hannah ang pisngi ni Kobe at umalis.

"Leo, intindihin mo nalang si Hannah. Wala na siyang pamilya." paliwanag ni Kobe kay leo at tinap niyang ang likod nito. Tumango-tango naman si Leo.


"Ms. Hannah Cruz, alam kong alam mo na mahigpit na pinagbabawal namin dito ang hindi naka-uniform. At naka shorts ka pa talaga" sabi nang principal. Pinatawag si Hannah sa principal's office.

"Then let me transfer to RTSA"

"Magfofourth grading na at malapit na ang graduation so I don't think that's possible"

"So what? That's my school anyway. Tatanggapin nila ako kahit anong mangyari, kahit pa three days nalang bago mag-graduation" nakakunot na ang noo ni Hannah. 

Nerd UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon