Chapter 14

90 2 0
                                    

A/N: Hello everyone! Hindi po ito POV ni Hannah. Third person po ito meaning ang author ng storya ang naglalahad ng kuwento. Wag po kayong malilito. hehe

Btw medyo matatagalan ako sa susunod kong update kasi midterms na next week. Anyhow enjoy reading! :)

"Anong nangyayari sayo? Para kang nakakita ng multo." tanong ni Hannah ng may halong pagtataka. Iba kasi ang kinikilos ni James mula nung makita niya si Aia.

"Wala lang to" sabi ni James pero parang may gumugulo parin sa isipan niya. Tumayo siya mula sa kinauupuan niya. Malamang. Alangan namang tumayo siya sa kinatatayuan niya. Paano naman mangyayari yun? Parang ewan lang diba? So yun nga. Nung nakatayo na siya agad naman siyang nagsalita. "C.R lang ako bae"

Tumango nalang si Hannah. Hawak na niya lahat ng binili ni James na pagkain. Hindi naman ito karamahian. 2 Frap na Java Chips lang ang inorder ni James para sa inumin at 2 chocolate chip cookies naman para sa pagkain. Hindi masyadong mahilig si Hannah sa matatamis pero hindi na siya nagreklamo pa. Aarte pa ba siya? Siya na nga yung nilibre e. Oo nga maarte talaga siya pero pinipilit niyang magbago. Pinilit niya naman kainin yung pagkain na dala ni James.

Si Ashley na ang lalaban sa quiz bee. Kabado si Ashley pero may kumpiyansa naman siya dahil naging puspusan ang paghahanda at pagrereview niya para rito. Pero hindi rin niya maiwasan mahinaan ng loob dahil mukhang matatalino din ang kalaban niya. Mabuti nalamang at nariyan ang kanyang mga kuya na parang may sayad sa utak dahil namubogbog nalang basta basta para lang sa kanya.

Umupo na siya sa upuan na inihanda para sa kanya. Inihanda niya narin ang kanyang netpad. Nginitian siya ng katabi niya sa upuan, kalaaban niya ito mula sa Reaching Star Academy. Nginitian niya rin naman ito pabalik. Nagsimula na ang quiz bee. Madali para sa kanya ang mga tanong.

Sa kabilang banda naman, namamangha si Hannah sa pinapakitang katalinuhan ng mga kalahok sa quiz bee. Kahit na medyo galit siya kay Ashley dahil nagsinungaling ito sa kanya ay pinagdadasal parin niya itong manalo.

Natapos ang quiz bee na si Ashley ang nakakuha ng pinaka mataas na score. Pumapangalawa naman ang Reaching the Star Academy.

Sumunod namang lumaban si Kobe. Hindi siya kinakabahan. Kalmado lamang siya. Parang short quiz lang ito sa kanya. Hindi siya masyadong nakapagreview nung nakaraang gabi dahil inintay niyang makatulog si Hannah at nirevise nito ang reasearch paper nito. Kahit na naiinis si Hannah sa kanya dahil akala ni Hannah na hindi siya tinutulungan nito ay ayos lang sa kanya, ayaw parin niya ipaalam kay Hannah. Nagtataka din siya kung bakit hindi nalaman ni Hannah na nirevise niya ang research paper nito. Pero naalala niya na hindi nga pala binabasa ni Hannah yung research paper niya, kapag tapos na paasa na agad. 

Hindi din siya masyadong nakapagreview nung isang araw dahil nga saglit lang siya sa school nung binalak niyang bumalik sa bahay. Sumakay siya sa jeep para sunduin si Hannah dahil hindi nito alam kung paano magcommute.

Kahit ganun paman ang mga nangyari ay hindi parin maipagkakaila na matalino si Kobe at masasagutan niya parin ang mga tanong sa quiz bee.

Nagumpisa na ang quiz bee. Si Hannah pa ang mas kabado. Hindi niya inaalis ang kanyang tingin kay Kobe. Nagdadasal siya na sana manalo si Kobe. Napakain siya ng madami sa kaba. Nakain niya rin at nainom ang dapat ay kay James. Napakaintense kasi nang laban. Magkapareho ang score niya sa kalaban niy mula sa Reaching the Star Academy. 

Pero nung huling tanong na ay nagkamali ang taga RSA na dahilan nang pagkanalo ni Kobe. Napatayo naman si Hannah sa saya! At napa sigaw nang 'yes!' dahilan na lahat ng tao ay tumingin sa kanya. Napasmirk naman si Kobe sa ginawa ni Hannah. Hiyang hiya naman si Hannah sa kanyang ginawa at napatakip nalanang ng mukha. Pero naalala niya na maganda nga pala siya at bakit siya nagtatakip ng mukha. Inalis niya ang kamay niya at inirapan lahat ng mga nakatingin sa kanya. Natakot naman ang mga nerds sa pagtataray niya. Napailing naman si Kobe sa ginawa ni Hannah.

Nerd UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon