Chapter 13

86 2 6
                                    

A/N: Sorry late update. Huhu. Sa flash drive ko kasi nilagay yung Chapter 13 kaso pinahiram nang kapatid ko yung fd sa kaklase niya kaya ayun inulit ko nalang dito. Pinasend nga namin through pm kaso wala daw dun. Nadidismaya ako :(

Anyhow enjoy reading..

Hannah's POV

Nandito kami ni Kobe ngayon sa school. Guess what? Ngayon na yung quiz bee.

"Good luck Kobe!" I said, cheering him.

"Don't wish me luck" He looked at me “It’s ungodly thing you know. Just say God bless.” He said  a bit irritated.

I just smile.

Ayan nanaman siya sa mga pangaral niya.

“Okay sige. God bless!” I happily said “and God speed!” I added while my index finger is pointing at the sky.

Di niya ako sinagot pero ngumiti siya. Tumalikod na siya at naglakad.

“Kobe!”

Hinarap niya ako “what?”

“Fighting!” sabi ko at with matching actions pa.

Natawa naman siya sa ginawa ko.

“Since when ka pa natutong mag fighting ha?”

“Napanood ko lang sa tv kabi nung nanonood kami ng Korean drama kagabi ni Jenny.” Ngiting ngiti ko ng sinabi

“Wag mo na uulitin yun. Di bagay sayo.” sabi niya tapos tumalikod ulit siya at naglakad papalayo.

“Yabang!” sigaw ko pero di parin niya ako nililingon.

Whatever. Kaiinis siya ha. Minsan na ngalang ako magpakajolly tapos kj pa siya?!

Naglakad lakad nalang ako sa may park ng school. Sigurado naman akong pumunta na si Kobe sa AVR dahil malapit na mag-umpisa ang quiz bee.

Lumaki ang mata ko sa gulat ng makita na may mga outsider na naglalakad lakad sa may park. At di lang sila basta outsider! Sila yung mga nambugbog kay James. Bakit sila nandito?! Baka bugbugin at hinhunting nanaman nila si James. Nako kahit bwisit ako sa lalaking yun, kaibigan ko parin yun at ayoko parin siyang masaktan.

Nilapitan ko sila. Oo na matapang na ako kasi nasa loob sila ng school. Duh may guard kaya dito.

“Hoy! Bakit kayo nandito?!” walang pakundangan ko ng sinabi sa kanila

“Bakit bawal ba?” tanong nung isa

Aba sumasagot sagot pa!

“Bawal ang mga kriminal dito at mamatay tao!”

“Kriminal at mamatay tao agad? Bat patay na ba kayo ni James?” nakataas ang kilay niyang sinabi.

“Basta kriminal kayo! Muntik niyo na kaya patayin si James sa pagbugbog!” pagsisigaw ko sa kanila

“Kuya Edward, Kuya Greg at Julius?” sabi nung babaeng nasa likod namin. It’s Ashley.

“Bunso!” sabi nung isa at hinug si Ashley. In fairness ang sweet niyang kuya. Pero wait. Kuya?

“Kuya mo yang tatlong yan?” tanong ko kay Ashley

“Oo. Kilala mo sila?” tanong niya.

“Oo! Sila yung--“ di ako nakapag salita dahil tinakpan nung isa yung bibig ko.Kainis! Ang baho nung kamay niya.

Nerd UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon