Chapter 17

90 4 0
                                    

A/N: Namiss ko mag-update. Kayo ba? Namiss niyo ba magbasa? Sana..


——-


Pagkatapaos nang dinner ay agad nang umalis si James sa bahay. Pano ba naman kasi? Sobrang nanlilisik yung mga mata ni Kobe na parang mangangain nang buhay. Sarap tusukin nung mata! May hawak pa naman akong tinidor kanina.

"Bat ba ang init nang dugo mo kay James ha?" tanong ko. Nandito kami ngayon sa balcony. Umiinom ako nang hot choco at coffee naman kay Kobe. Ang lamig nang simoy nang hangin at puno din nang mga bituin ang langit. Ang sarap lang pag-masdan.

"Hindi naman" sagot niya

"Weh?" mabilis kong sinabi at may facial expression pa. Maniwala naman ako dito sa lalaking to. Sus. Di daw siya galit e kung makatingin siya kay James parang alam niya lahat nang kasalanan ni James ah. "Utot mo." dagdag ko

"Ayoko lang kasi nang.." nagulat ako nung huminto siya at umiwas nang tingin. Bakit kaya hindi niya itinuloy yung sasabihin niya?

"Nang ano?" tanong ko.

"Wala wala. Basta hindi ako galit sa kanya" sabi ni Kobe at uminom nang kape niya. "Matulog ka na" utos niya.

"Eto naman oh! Anong ayaw mo?" pangungulit ko. Sinimulan niya na eh. Dapat tapusin niya yung sasabihin niya. Nacucurious na tuloy ako. Alam naman niyang tama ang kasabihang 'Curiosity kills the cat'.

"Basta" mabilis niyang sinabi. Nakakunot na yung noo niya. 

"Ano ba yan?! Ang damot mo!" pagmamaktol ko. Ang corny niya ha! Bat ayaw niya sabihin?!

"Matulog ka na." madiin niyang sinabi na parang galit na siya. Nakukulitan na siya siguro sakin. Eh pano ba naman kasi? Kaslanan niya yan! Pasuspense pa kasi siya e. Pwe kala niya kinapogi niya yun.

"Ayoko! Hindi ako makakatulog." sabi ko. Nakataas yung isa kong kilay at nakacross arms pa. Patigasan kami.

"Bahala ka diyan." sabi niya at tumalikod na siya sakin. Aba! Tatakasan pa ko nang lalaking to! Hinawakan ko yung braso niya dahil pinipigilan ko siyang makaalis.

"Ano ba kasi yun!" sabi ko. "Hindi kita bibitawan hanggat di mo sinasabi!" pagbabanta ko

"Wala nga ang kulit." sabi niya at kumamot sa ulo. 

Tinignan ko siya nang masama "Sabihin mo na" sabi ko. "Ano ba nga kasi yung ayaw mo?!" huli ko ng tanong

"Ayoko nang.." tumingin siya sa kamay ko na nakahawak sa braso niya "binibabe ka" at inalis na niya yung pagkakahawak ko sa braso niya.

Napatigil naman ako sa sinabi niya. Para akong nabingi nang saglit. Ano daw? Ayaw niyang binibabe ako? Anong ibig sabihin niya nun? Di ko siya maintindihan. Naguguluhan ako.

"What do you mean?" I asked

"Yung pagtawag niya sayo nang babe, baby at kunga ano-ano pa.  Ayoko nun" seryoso yung mukha niya. Ramdam ko yung pagka-inis niya "Hindi ka naman baboy at tinatawag ka niyang babe at lalong hindi ka niya anak para tawagin ka niyang baby! Ano siya bagito? Batang ama?" dagdag niya. Namumula siya ngayon sa pinagsasabi niya. Ang cute niya.

Natawa ako nang malakas! Grabe parang kakabagin ako! Bat naman siya naiinis dahil dun lang?! Nakakatawa talaga siya!

"Selos ka lang e!"  pang-aasar ko

"No way!" sabi niya at may gestures pa.

"Eh ano yang ginagawa mo?" nakangiti ako ngayon na mapang-asar. Ang sarap asarin nitong si Kobe! Ang cute niya para siyang bata.

Nerd UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon