Chapter 8

83 2 0
                                    

[Hannah's POV]

"Guys! Saan nagtatrabaho yung mga isda?" James yan. Gusto nanaman niya siguro magjoke. Walang umiintidi sa kanya. Nag-rereview kasi lahat ng mga kaklase ko.

"Saan?" Nakangiting sinabi ni Ashley. Oh ayun. May pumansin din kay James.

"Wait lang! Sino ka? New student ka ba dito?" tanong ni James. Hindi niya nakilala si Ashley dahil siguro sa tranformation niya!

"Ako nag-ayos diyan!" nakangiti kong sinabi. Di ko na napigilan. Sumingit na ko. "Si Ashley yan! Ano ka ba James?!"

"Ah ganun ba?" sabi ni James

"Nagustuhan mo ba ang ayos ko?" tanong ni Ashley.

"Okay lang." sabi ni James. Err? Okay lang? Pretty kaya! Ako nag-ayos sa kanya. Ayan. Nakita ko tuloy na parang nalungkot si Ashley dahil sa narinig niya.

"Anong okay lang ha?!" sigaw ko kay James. Nakakainis kasi. Di niya naappreciate yung itsura ngayon ni Ash.

"Okay lang. Normal na itsura niya ngayon. Di na siya weird." okay? Yun lang? Aba!

"Maganda naman siya sa ayos niya diba?" sabi ko

"Maganda din. Pero mas maganda ka parin babe." sabi niya ng nakangiti sakin.

"Ah. Eh. C.R lang ako." sabi ni Ash. At lumabas na siya ng room. Oo nga pala. Recess na kasi kaya puwedeng lumabas labas.

"Tignan mo yun! Sinabi ko lang na mas maganda ka, lumabas na siya agad. Eh mas maganda ka naman talaga dun! Kuko mo lang siya eh. May crush talaga sakin yun." sabi ni James.

"Hoy! Kahit totoo naman talaga yung mga pinagsasabi mo eh tumigil ka nga diyan! Tsaka wag kang feeler! Walang gusto sayo yun. Tinanong ko na siya eh"

"Ha? Bat mo tinanong? Ayieee. Inaalam niya kung sino-sino may gusto sakin. Papaslangin mo ba? Wag naman! Sayo lang naman ako eh!" ngitng-ngiti niyang sinabi.

"Tungaw! Sapakin kita diyan eh! Hindi no!"

"Ayieee. Kilig naman ako dun! Ayieee." tas kinikiliti na niya ako. Tae! Masapak ko na talaga to.

*boogsh* sinapak ko siya sa mukha.

"4r4y ko b3!" sabi niya. Aba! Naging jeje pa siya ngayon.

"Dapat lang yan sayo! Ayaw mo ko tigilan! Nakakainis ka na. Kala mo naman ang gwapo mo! Eh mukha ka namang tukmol." sabi ko sa kanya

"Ganon?" serious face

"Ganon talaga! Ayaw ko ngang makita pagmumukha mo! Nakakasuka. Eww"

"Talaga lang ha?" serious face ulit

"Oo! Tae! Ampangit mo. Sarap mong sapakin ng paulit ulit! Para malaman mo kung gaano kong kaayaw sayo! Layuan mo na ako! Kaya siguro kayo naghiwalay ng ex mo kasi sawang-sawa na sayo yun! Para ka kasing linta! Dikit ng dikit! Nakaka irita ka." sobrang taas ng kilay ko ngayon. Ayan. Nagmamaldita nanaman ako.

"Okay." konting ngiti tapos umalis na siya sa harap ko.

Lumipat siya sa tabi ni Leo.

"Uy. Narinig ko yung tinatanong mo kanina. Kung saan nagtatrabaho yung mga isda. Alam mo. Hindi naman nagtatrabaho ang mga isda. Siguro sa kapapanood mo yan ng mga cartoons." sabi ni Leo

"Joke dapat yun pare! At wag mo kong kausapin. Badtrip ako ngayon. Baka kung ano magawa ko sayo." nanlilisik yung mata ni James. Nagalit talaga siya sa mga sinabi ko. Di ko kasi pinili yung mga salitang gagamitin ko. Pero oh well. Atleast di na niya ako guguluhin.

"Osige. Pero hindi talaga nagtatrabaho mga isda!" sabi ni Leo

"Sabing tumigil ka na eh!" nakataas na yung fist ni James na aakmang susuntukin na niya si Leo.

Nerd UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon