Chapter 16

114 1 3
                                    

Chapter 16

“Wow perfect yung assignment mo!” sabi ni James na manghang mangha. Siya yung nagcheck nang assignment ko. Kahit ayaw ko, may magagawa pa ba ako? Katabi ko kasi siya e.

Nasa classroom kami ngayon. Lahat kami perfect. Well except kay James. May bago ba dun? Di naman kagulat gulat yun.  Pero parang naguguilty tuloy ako. Hindi naman ako ang gumawa nang assignmet ko e. Si Kobe. Pero kahit na. Tatanggi ba ako sa gracia?

“Akin na nga yan!” tapos kinuha ko yung workbook ko kay James.

“Bawal pa ibigay sa may ari!” sabi niya. Sinubukan niya kunin sakin yung workbook ko kaso natago ko agad.

“Whatever” I said and rolled my eyes.

“Pero wait lang baby. Bat parang iba yung sulat mo?” sabi niya nang nagtataka.

O wait. Napansin niya yun?! Oo nga pala iba sulat ni Kobe sakin! Kinakabahan ako. Baka mabuko kami ni Kobe. Tinulungan na nga ako ni Kobe tapos mapapasama pa siya? Grabe! Hindi to puwede.

“Ano?! Hindi ah!” oops sorry nagsinungaling na ako. My gosh! Hindi ko naman kasi mapigilan. Sorry na. Alam kong masama magsinungaling kaso wala na talaga akong choice e. Hindi ko naman puwedeng pabayaan na maoffice si Kobe.

“Joke lang! To naman! Di ka naman mabiro.” Natatawang sinabi ni James. “Wag ka masyadong defensive” dagdag niya. Hinampas ko naman siya. Kainis! Napilitan pa tuloy ako magsinungaling para mapaktakpan lang si Kobe. Tapos hindi pala niya nahalata?! Todo deny pa ko! Ano ba yan?! Argh

Tawa lang siya nang tawa. Oh ano nangyari sa kanya? Nababaliw ba siya? Ang saya niya grabe ah. Happiness siya ngayon ha. Parang nung kumakailan lang hindi ko siya makausap nang matino. Ilang buwan na rin ang nakalipas simula nung nakita namin si Aia sa quiz bee. Siguro talaga may something talaga dun sa dalawang yon. Naging sila ba? Hindi sila bagay. Like duh.

Pero ano nga ba ang paki ko? Ano ba to? May paki na ba talaga ako kay James? Hindi to puwede. No no. Ew.

“Babe! Kanina ka pa nakatulala diyan ah!” sabi ni James na natatawa. Tae! Nakatunganga ba talaga ako?! Hindi to puwede. Bat ko ba kasi siya iniisip? Erase erase.

“Wala! Manahimik ka nga diyan!” sabi ko. Ayoko nang ganitong pakiramdam. Bat kay James pa?! No! Hindi puwede. Ayoko. Kadiri. Ew.

“Hannah” sabi nung lalaki sa likod namin. Biglang sumusulpot. Alam na this kung sino. It’s Kobe.

“Ha? Bakit?” tanong ko

Tumingin siya sakin nang maigi. Oh? Anong meron? May dumi ba ako sa mukha? Masyado ba akong maganda para titigan niya nang ganyan?

“Bakit nga?” tanong ko ulit.

“Pinapatawag ka daw sa Reaching star Academy. Ano na naman bang ginawa mo?” sabi ni Kobe. Nakakunot nanaman yung noo niya.

Yun lang naman pala. Pero wait?! Ako pinapatawag don? Bakit naman?! Wala naman akong ginawang masama ah. Wala akong matandaan.

Pero shocks! Siguro yung.. “Yung tungkol ata dun sa Nikki at Veronica” sabi ko

“Anong meron dun? Nambully ka nanaman ba?!” tanong niya. Grabe! Pag pinapatawag ako, nambully agad?! Grabe siya ha. Sumosobra na.

“Hoy! Wala akong ginagawang masama.” Diretso kong sagot sa kanya. Umiwas pa ako nang tingin sa kanya. Nakakatakot yung mata niya e. Para akong kakainin.

“Siguraduhin mo lang.” Sabi niya tapos naglakad na siya papalayo samin at umupo na sa puwesto niya.

Over talaga makareact ang isang yun! Tsaka grabe yung pagisipan niya ako nang masama ah! Hindi talaga ako makapaniwala sa lalaking yun. Okay na nga kami kagabi eh. Tapos ngayon nangiinis nanaman siya! Kaasar.

Nerd UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon