Chapter 2

187 1 2
                                    

[Hannah's POV]

"Ano bang klaseng school to?! Puro nerds!" pagrereklamo ko kay Kobe, yung body guard chu-chu ko. Kahit saan kasi ako tumingin puro nerds ang nakikita ko. Wala bang normal dito?!

"Nerd school kasi to. Puro matatalino ang mga nakakapasok dito. At kung nagtataka ka kung bakit ka nakapasok dito kahit di kanaman.."

"Hoy! Ano sabi mo? Kahit hindi ako ano?"

"Kahit di ka matalino.."

"Ang kapal naman ng mukha mo! Kahit ganito ako, matalino din naman ako.. siguro!"

"Okay! Pero sinit in kalang naman ng dad mo dito eh. Parang saling kit-kit lang. Ganun." sabi niya sakin

Ang kapal naman ng isang to! Porket nerd lang eh! Edi siya na matalino, ako na engot kaya saling kit-kit lang ako sa school na ito!

"Tara!" hinawakan niya ako sa kamay, kinagulat ko naman! Inalis ko kaagad yung kamay ko.

"Wag mo akong hahawakan! Kahit dulo ng darili ko! Kadiri ka!" tapos pinunas ko yung kamay ko sa uniform ko.

"Bahala ka." sabi niya at naglakad na. sinundan ko naman siya.

"Arf! Arf !Arf! Arf! " nakita ko naman may asong tahol ng tahol sa harap ko. Naglalaway pa! Kadiri! Lalapain ata ako! Tapos maya-maya dinambahan niya na ako!

"K-kobe! Help me!" sabi ko

"Diba sabi mo kanina wag kitang hahawakan? Pati dulo ng darili mo?" sabi niya with a blank face. Nakakainis naman tong animator na to! Weirdo talaga! Baka magkarabis pa ako dito!! Bakit ba kasi may aso dito?! Eto nanaman yung aso! Tinatahulan niya parin ako! Tapos aakmang kakagatin na!

"Hoy Nerd! Tulungan mo na ko! Diba bodyguard kita?! Ano pang silbi mo kung di mo ko tutulungan?!"

"Eh diba nga po, ang utos niyo eh wag kitang hawakan?!" sabi niya sakin. Talaga naman to oh! I hate him!! At talagang ipilosopohin ba ako?! Argggggh!

"Aw! Aw! Arf! Arf! Arf!" -aso (naglalaway pa)

"OO NA! SIGE NA! HAWAKAN MO NA KO BILIS! KAKAGATIN AKO NITO!!!" sabi ko. Hinawakan niya agad ang kamay ko. Seryoso lang siya. Tapos tinaboy niya yung aso, kilala ata siya nito.

Habang naglalakad kami sa korridor magkahawak lang ang kamay namin. Tinitignan ko lang siya, pero seryoso lang siyang naglalakad. Ano bang meron?! Tsaka bakit parang ayokong ialis yung pagkahawak niya sa kamay ko, para bang may magnet na ewan. Basta. Habang naglalakd kami, ang daming aso. Kaya nakakapit lang ako sakanya. Ayokong bumitiw.

"Wag kang mag-alala. Nandito ako. Di kita bibitawan." tapos mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Tapos naglakad na kami, ang dami paring aso. Pero hindi ako natakot dahil sa sinabi niya. Tapos tumigil na kami sa tapat ng classroom.

"Ito na yung classroom natin."sabi niya sakin.

"Seryoso ka ba?! Ang dami kayang aso pagpupunta dito! Edi araw-araw akong makikipagpatintero sa mga aso?!" sabi ko

"Edi araw-araw ko ding hahawakan ang kamay mo." seryoso niyang sinabi. Nagulat naman ako sa sinabi niya! Grabi ah?!

"Bakit kasi ang daming aso?! Nakakainis ah!"

"Sa mga estudyante yan. Dog lover kasi sila, ayaw naman nila itali yung aso nila kaya ayun."

Grabe naman yun! Sa school ko nga dati bawal magdala ng kahit anong pet ni sobrang liit pa. Tapos dito pwede. Normal na school ba to? Urrgh! This school is weird---SO WEIRD! Paano ba ako napunta dito? Kainis!

Nerd UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon