Chapter 4

114 1 0
                                        

[Hannah's POV]

"Don't Cry. Sorry"

Pagkalingon ko, si Kobe. Nakatingin sakin habang umiiyak ako.

"Ewan ko sayo!" sabi ko sakanya

"Nagsosorry na nga yung tao ganyan ka pa? Bahala ka nga diyan!" sabi niya sakin tapos naglakad na palayo.

Abnormal ba yung taong yun?! Kainis! Ahhhh. Nakakainis pa kasi wala man lang akong kaibigan na maiiyakan! Wala kahit isa! Sarap manapak!

May nakita akong babaeng naglalakad. Sinapak ko siya.

"What the?! Miss! Anong problema mo?!" tapos sinabunutan niya ako. Sinabunutan ko din siya. Nagsabunutan kami. Dumami ang taong tumingin samin. Yung iba nagpupustahan pa nga! Pero wala akong paki! Sinasabunutan ko parin yung babae.

Nagulat ako nang biglang may umawat sakin at nilayo ako dun sa mga tao. Si Kobe.

"Anong problema mo?! Bakit ka nakikipagsabunutan?! Di ko talaga maintindihan kung anak ka ng mayaman eh! Asal skwater ka kasi!" sabi ni Kobe. Di ako nagsasalita.

"Hali ka na nga sa bahay! Nandun na yung mga gamit mo!" hinigit niya na ako at pinasok sa kotse niya.

Di ko parin siya iniimik. Galit ako sa kanya. Hanggang sa makarating na kami sa bahay nila. Nagulat ako kasi hindi ko ineexpect na magiging ganun kalaki ang bahay nila. Mas malaki ang bahay nila kesa samin. Bakit siya ang body guard ko? Sa tingin ko naman mayaman naman sila. Ano to? Gusto niya bang yumaman ng husto kaya kinuha niya yung trabaho na binigay ni dad?! Oh well. Wala parin akong pakielam sa kanya. Galit ako.

"This will be your room" blank face

"K" tipid kong sinabi

Hindi ko maintindihan sila daddy! Bakit nila ako patitirahin kila Kobe?! May bahay naman kami ah?!

"Kobe." sabi ko

"What?" irita niyang sinabi

"Where are your parents?" tanong ko

"Kasama ng mga parents mo." tapos naglakad na siya papunta sa room niya.

Ano?! Bakit daw?! Di ko talaga maintindihan! Argh!

Natulog nalang ako. Nakakapagod ang araw na ito.

****

"Gising!"

"Uhmmm"

Naramdaman kong may yumuyugyog ng kama ko.

"Ano ba?!" napataas yung kilay ko at napaupo ako ng kama. Nakita ko si Kobe. Nagcross arms siya.

"Kumain ka na. Sabay na tayo." tapos naglakad na siya palabas ng kwarto.

"ISTORBO!" sigaw ko

Bumaba na ako. Pumunta ako sa dinning room. Ang daming pagkain! Umupo na ako sa upuan.

"Don't use that chair! That's mine!" nabigla ako nang magsalita si Kobe. San galing yan?!

"Ang arte." tapos lumipat na ako.

Kukuha na sana ako ng pagkain kaso tinap niya yung kamay ko.

"What?!" irita kong tanong

"May kasabay pa tayong kumain. Just wait."

"K"

Tapos biglang dumating yung mga katulong nila. Umupo sila. Ang haba ng table na kinakainan namin. Wow. Sinasabay niya pala yung mga katulong nila sa pagkain ah? Hay. Swerte ng mga katulong niya at siya yung amo. Kasi yung mga katulong namin, mamamatay muna sila bago ko sila sabayan sa pagkain.

Nerd UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon