Chapter 20

49 1 3
                                    

Hannah's POV


2 weeks na kami sa guidance, pagkatapos kasi nang class namin ay dumideretso kami dito sa guidance. Ngayon na ang last day namin.


Ang saya din pala ma-guidance at ma-community service? Haha. Abnormal ba ang pag-iisip ko? Pero tingin ko hindi. Mas naging kaclose namin ang mga guidance counselor. Hindi naman talaga sila nakakatakot eh. Ang mas nakakatakot yung mga parents na sumusugod dito sa guidance at inaaway yung mga guidance. Pero nakakaawa din yung mga magulang na umiiyak kapag madodrop na yung anak nila dahil maraming cutting o absences for no valid reason.

Ang hirap pala nang mga gawain sa guidance. Teacher din nang psychology yung ibang guidance counselor, sa college department. Mahirap kasi kelangan nilang maging kalma kahit anong mangyari, kahit na medyo hindi maganda ang pakitungo nang estudyante o magulang sa kanila. Chill parin sila. Kaya saludo ako sa kanila.


"Ano po yun?" tanong ko dun sa estudyante, college na siya. Mas maraming pumupunta dito na college kesa high-school or elementary. Ewan ko. Mas magulo ang mga college eh. Bakit kaya ganun? Diba dapat mas matino sila kasi college na sila? Sabagay, mga nerd kasi sila mula elem hanggang high school, siguro pagdating nila nang college bigla silang nagiging wild, parang nakawala sa kulungan at gustong i-explore ang lahat. Pero di ko padin sila maintindihan. Like hello? Dapat nga mas maging matino na sila e, kasi konting kembot nalang sila maaabot na nila yung pangarap nila. Ewan ko ba. Ganun siguro talaga ang tao, hindi maintindihan.

"Kinuha yung I.D ko, dito ko daw kukunin" sabi niya

"Sige po, nandun po si Ma'am Kimmy sa room na yan" tinuro ko yung room. "Pasok ka nalang, dyan dinadala yung mga nakukumpikang I.D"

"Salamat" sabi niya at pinuntahan na niya si Ms. Kimmy

Ano kaya ginawa nun at kinumpika yung I.D. niya? Hay nako. Di nalang kasi sumunod sa rules and regulations eh. Teka nga? Bakit ang galing ko magsalit pero ako din naman ah, hindi ako sumunod sa rules and regulations dito sa school, kaya nga ako nandito sa guidance eh.


Lumabas yung lalaki na nakasimangot. Hindi niya ata nakuha yung I.D niya. Kawawa naman, pero ganun talaga. Lahat nang ginagawa nang isang tao may consequence yan, hindi puwedeng wala. O diba? Ang deep ko.


May pumasok nanaman na lalaki. May dala siyang boxes of pizza at drinks. "Pizza delivery po" sabi niya na nakasmile.

Lumabas si Ms. Kimmy "Palagay nalang dito sa table" tinuro niya yung table na malaki sa bungad nang guidance. Nilapag naman nang delivery boy. Binayaran ni Ms. Kimmy at umalis na yung lalaki. "Sarado niyo na yung pinto. Lock niyo na at isabit niyo na yun" tapos tinuro niya yung pang sabit sa pinto na 'Lunch break. Please be back at 1:00 pm'

"Opo ma'am!" sabi ni Letat masayang isinara yung pinto. Laging ganito kapag lunch break sa office. Kaya kami nagiging close lahat, nakikipag kuwentuhan ang mga teachers sa amin.

Syempre bago kumain, di pumayag si Kobe na hindi magpray. Tapos naglead siya nang prayer.

"Kainan na!" masayang sigaw ni James. Si ma'am Kimmy ang nalibre ngayon kasi last day na namin. Gusto daw niya kaming itreat kasi naging mabait kami sa loob nang guidance at hindi nagreklamo at naging pasaway. Masaya din naman yung ibang mga guidace counselors samin. Nakakatulong daw kami sa kanila.

"Magkapatid ba kayo Kobe at Hannah?" tanong nung isang guidance counselor, Ma'am Janet.

"Hindi po" sagot niKobe at umiling din ako para sa response ko.

Nerd UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon