[Hannah's POV]
Naglalakad ako. Ewan ko kung bakit ako naglalakad dito sa park. Tapos na yung klase pero di parin ako umuwi. Friday ngayon. Bukas nalang kami mag-uumpisa ni Leo maghanap ng sense of humor.
Sa matalahib na part. Kung saan walang tao nakita ko si James na ikinagulat ko. Pinapalibutan siya ng mga lalaki.
"Oh ano? Yung pinag-usapan natin! Ano na nangyari?" sabi nung isang lalaki. Ang laki ng katawan!
"Hindi ko talaga kaya pinapagawa mo! Kapatid lang turing ko sa kanya!" sabi niya sa lalaki. Ano kaya nangyayar?
Hinawakan siya nung dalawa niyang kasama sa magkabilang braso.Tapos yung lalaking kausap niya kanina, binugbog na siya. Sinuntok siya sa tyan. Tapos sa mukha.
"Diba nga nagbago na siya?! Nagbago na nga itsura niya eh!" sabi nung lalaki.
"Wala akong paki! May iba akong gusto! Hindi siya!" sabi niya sa lalaki
"Ah ganun ba!" tapos sinapok niya si James!
"Hoy! Anong ginagawa niyo?!" sabi ko sa kanila.
"Hannah?" gulat na gulat si James.
"Ako bahala sayo James." sabi ko sakanya. "Hoy mga tukmol! Anong kalokohan to ha?! Baka gusto niyong mawala sa mundong ibabaw?!"
"Baka ikaw ang mawala sa mundong ibabaw!" sabi nila.
"Aba! Ako ba hinahamon niyo?!" sabi ko.
Nilapitan nila ako tapos hinawakan yung maggkabilang braso ko. Si James naman hinagis lang nila sa sahig. Sakit na sakit siya sa katawan niya. Binugbog nga siya remember?
"Eto ba yung babaeng gusto mo James?" sabi nung lalaki.
"Wag niyo siyang sasaktan!" sabi ni James.
"Well. Maganda din siya." Hinawakan niya yung mukha ko. "Pero kawawa naman yung mukha niya. Babasagin ko lang." tapos sinampal niya ako. Ang lakas! Buong pwersa! Naramdaman ko yung init ng kamay niya. Ang sakit! Grabe. Feeling ko matatanggal yung ulo ko sa sampal niya.
"Sabi ngang wag niyo siyang sasaktan eh!" pinunasan ni James yung dugo na niya sa labi at pinilit niyang tumayo. Hinawakan niya sa balikat yung lalaki at nakaharap sa kanya ngayon. Susuntukin niya sana kaso siya yung unang sinuntok at napaupo siya sa sahig.
"Ano? May magagawa ka ba?" sabi niya tapos sinampal nanaman niya ako. Ang sakit talaga! Shocks
Di ako makapagsalita dahil sa sakit ng pisngi ko. Feeling ko namumula na ako ngayon. Feeling ko magdudugo na yung pisngi ko. Ang sakit talaga.
"Tigilan niyo na sabi eh!" tumayo ulit siya tapos susuntukin niya sana yung lalaki kaso naunahan nanaman siya. Kaya nasuntok nanaman siya ulit. Binitawan ako nung dalawang nakahawak sakin tapos pinuntahan nila si James at pinagtatadyakan.
Di ko alam kung bakit. Pero may tumutulong luha sa mga mata ko dahil nakikita kong sinasaktan nila si James.
"Ano ba kasi problema niyo!" Sinubukan ko silang awatin kaso tinulak lang nila ako. Napahiga ako sa sahig. Walang naggaganito kay Hannah Cruz! May nakita akong bato na malki at binato ko sa ulo nung leader nila. Yung kanina pa sinusuntok si James? Dumugo yung ulo niya. Nanlilisk na ang mga mata niya sakin. Unti-unti niya akong nilapitan. Hindi ako natatakot sa kanya. Yung malapit na siya sakin, sinuntok ko siya sa mukha. Di niya alam na susuntukin ko siya kaya nagulat siya. Lalo siyang naggalit sakin.
"Ikaw!" tapos sinuntok niya ako sa tyan. Napahiga ako. Di ko na nararamdaman ang katawan ko. Feeling ko nagmanhid. Umiikot na yung paligid. Napapikit nalang ako. Di ko na alam ang mga nangyari pagkatapos.

BINABASA MO ANG
Nerd University
Novela JuvenilNaranasan mo na bang maging estudyante? Kung oo, sigurado akong nagawa mo nang mangopya, magpakopya, bumagsak sa exams, makipagsisikan sa jeep, mang-hingi nang papel, mawalan nang ballpen, mangbully, binully, palabasin nang teacher, ma-office at hin...