[Hannah's POV]
"Anong fish ang basang basa sa ulan?" si James yan. Kasama na namin siya ngayon. Pang 50th joke na niya to. Sana matawa na kami.
"Ano?" sabay namin tinanong ni Leo
"Edi Hito!" sabi niya ng parang matatawa na.
"Bakit naman hito?!" naguguluhan na si Leo.
"Kasi.. HITO akooooo! Basang-basa sa ulaaaan! Walang masisilungaaaan!" nakakabingi yung boses. "PFFFFFFFFFFFFFT! HAHAHAHAHAHAHAHA! NAKAKATAWA DIBA?! HAHAHAHAHAHHA!" K.
"Medyo nagegets ko na yung mga fish jokes." sabi ni Leo
"Sa dami ba naman na fish jokes ang sinabi ni James. Hindi mo ba naman magegets?!" sabi ko.
Alam niyo guys? Ang napansin ko kay Leo, hindi naman talaga siya as in matalino. Oo nga! Kasi lahat minememorize lang niya! Pero pag dating sa common sense hindi na siya magaling dun. Puro memorize lang ang ginagawa niya sa buhay niya. Di niya naexperience yung mga turo ng buhay. Puro lessons lang sa school siya naka tuon hindi sa lessons ng life. Sa bagay, hindi naman siya umaalis sa librong hawak niya. Gusto niyang pag-aralan lahat. Pero hindi niya alam, mas matuto ka kung hindi ka nagrereview, sa buhay ah? Hindi sa exam. Kasi sa totoong buhay, exam muna bago lesson. Susubukin ka muna, kung papalarin mapapagtagumpayan mo ito, pero kung hindi, masasaktan ka. Pero sa tingin ko naman hindi mo naman kawalan kapag nasasaktan ka kasi dun ka mas natuto. Ang lalim ko na. Laging kasi akong nililife lesson ni Kobe sa bahay pag dinner time. Nakakahawa siya. Lumalalim na rin ang tingin ko sa buhay.
Pero minsan di ko maiwasan na baliwalain lahat ng tinuturo ni Kobe at magstart magtaray at magsungit, yung bumalik sa dating buhay kumbaga. Siguro naguguluhan pa ako ngayon. Ewan ko. Ngayon lang ako tinadtad ng word of God araw-araw. Laging naglalaban yung pagbabagong buhay at pananatili sa pagiging ako. Hays. Ang hirap magbagong buhay ang daming tumutulak sayo para maging kagaya parin ng dati.
"Hoy Hannah! Okay ka lang?" tanong sakin ni James
"Ha? Bakit mo naman natanong?"
"Nakatulala ka kasi diyan eh!" sabi niya tapos pinisil niya yung pisngi ko.
"Wag mo nga ako hawakan!" tapos tinap ko yung kamay niya.
"Ang hirap niyo namang patawanin ni Leo! Masyado kayong seryoso!"
"Ang corny kasi ng jokes mo!" sabi ko
"Di ko alam kung saang part yung nakakatawa eh! Inaanalize ko naman pero bakit di parin ako natatawa?" sabi ni Leo
"Hay nako! Di talaga kayo matatwa kung bago paman din ako magjojoke eh iniisip niyo na agad na corny! Tsaka hindi inaanalize yung jokes! Ineenjoy yun. Nasa tao lang naman kasi din kung tatawa siya o hindi. Hay! Ang hirap niyo patawanin! Nakakainis narin kaya no! Ang hirap magjoke sa mga taong seryoso! Sana naman magkaroon kayo ng sense of humor kahit minsan lang. Nakakalighten up din naman kasi kapag tumatawa ka diba?" lumalalim narin si James.
"Ano ba kasi dapat naming gawin? Seryoso kasi kaming tao." sabi ni Leo
"Lighten up. If you're taking things too seriously, it's too hard to be funny. Stop viewing everything as an intelligence test and start seeing the lighter side of life." aba! Gumaganon si James!
"Nagiging malalim ka narin ha?" sabi ko
"Ah? Hindi naman! Nabasa ko lang yun sa internet. Tapos lagi ko nang tinatandaan." sabi niya sakin ng nakangiti. "Wag niyo masyadong seryosohin lahat ng mga nakikita at nararanasan niyo. Chill lang kayo. Kain na nga muna tayo! Ang sakit niyo sa anit eh." sabi ni James
BINABASA MO ANG
Nerd University
Teen FictionNaranasan mo na bang maging estudyante? Kung oo, sigurado akong nagawa mo nang mangopya, magpakopya, bumagsak sa exams, makipagsisikan sa jeep, mang-hingi nang papel, mawalan nang ballpen, mangbully, binully, palabasin nang teacher, ma-office at hin...