Chapter 11

132 3 3
                                    

[Hannah's POV]

"Ang bagal mo kumain. Mauuna na nga ako sayo!" naiiritang sinabi ni Kobe sakin. Ano ba talaga problema nitong lalaking to?! Alam kong masungit siya pero sumusobra naman ata!

"Hoy! Wait lang!" kinuha ko yung tinapay. Tapos ininom ko na yung milo. Kaso isang lagok lang! Nagmamadali kasi si Kobe eh!

"Hoy! Saglit lang naman!" sabi ko. Ang bilis niya kasi pumunta sa kotse. Sasara niya na agad! Kainis to ah! Buti nalang binilisan ko kaya nakapasok agad ako sa kotse.

"May assignment ba?" tanong ko kay Kobe.

"......." Nakatingin siya sa bintana. Di niya ako iniimik! Kaasar to ah. Masasapak ko to eh.

"Uy! Kinakabahan ako sa school festival! Hahaha! Di kasi ako magaling mag-joke!"

"......." asar! Masasapak ko na talaga siya.

"Huy! Anong problema mo ba ha?!" tanong ko

"......" aba! Di talaga siya sumasagot ah!

Susuntukon ko sana siya kaso hinawakan niya yung fist ko. "Tigilan mo ko." sabi niya sakin tapos tumingin na siya sa bintana!

AAAAAARGH! Ano ba kasi problema niya?! Bat ang sungit niya ha?! Kainis!

Bumaba na kami sa kotse kasi nasa school na kami. Papunta na kami sa room. Hindi na niya hinawakan yung kamay ko kahit maraming aso.

"Kilala ka na ng mga aso. Kaya kayo mo na mag-isa" sabi niya sakin.

"Kaya ko na talaga kahit wala ka no! Abnormal!" sabi ko. Naglakad na ako. Di na tumatahol yung mga aso. Kilala na nga nila ako.

Hay! Ang bilis maglakad ni Kobe. Iniiwan niya ako. Abnormal talaga! Kala ko ba bodyguard ko to? Bakit niya ako iniiwan? Abnormal yun ha? Well, di ko naman siya kailangan. Bahala nga siya!

Nasa classroom kami.

"Pass your homeworks!" sabi nung teacher namin.

"May assignment?!" gulat na gulat ako. Tumingin ako kay Kobe ng masama. Kaso di niya ako pinansin. Nilapitan ko siya. "Hangal ka. Bat di mo sinabing may assignment?!" tanong ko.

"Estudyante ka. Dapat alam mo yan." tapos tumayo siya at nilagay na niya yung assignment niya sa teacher's desk. Abnormal talaga! Kainis!

"Yung walang assignment lumabas!" sabi ni ma'am.

Nakatingin ako ng masama kay Kobe habang lumalabas ng classroom. Asar! Kainis talaga yung taong yun!

Nasa labas ako ng classroom. Hay. Boring.

"Wala kang assignment babe? Hahaha" sabi sakin ni James.

"Wala ka ring assignment?" tanong ko

"Meron akong assignment. First time ko nga gumawa ng assignment. Naisip ko kasi nakakahiya naman sayo kung wala akong assignment." sabi niya sakin ng nakangiti

"Oh bat ka nasa labas?"

"Di ko pinasa yung assignment ko eh."

"Bakit naman ha?! Adik ka ba? Gagawa ka ng assignment tapos di mo naman ipapasa."

"Wala ka kasing kasama dito sa labas eh." sabi niya tapos pinisil yung pisngi ko. Nagulat ako sa sinabi niya.

"Hoy. Bat mo to ginagawa?" tanong ko

"Eng-eng ka ba babe?! Bat mo naman tinatanong? Dapat alam mo na sagot niyan. Tss. Dahil medyo slow ka, sasabihin ko na. Gusto kasi kita" nakangiti niyang sinabi sakin.

"Bakit?! Wala kang magugustuhan sakin. Ang pangit ng ugali ko. Maganda lang ako. Yun lang."

"Wow ha? Ang yabang naman ni babe. Osige na nga. Maganda ka na." Ang wide ng ngiti niya. Sobra.

Nerd UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon