Chapter 19

33 2 0
                                    

Hannah's POV


"Eh sa mas maganda nga dito eh!" sabi ni James kay Kobe.

Nagtitigan sila na parang nagsusuntukan na sila sa isip nila. Hay nako. Akala ko pa naman okay na sila. Hindi pa pala. Bakit ba kasi lagi silang nagtatalo kahit sa maliit na bagay?


"Ano ba kayong dalawa?!" pagsasaway ko "Nasa guidance tayo! Ayusin niyo naman"

"Ito kasing si James eh" sabi ni Kobe tapos inayus niya yung salamin niya.

"Ako pa ngayon bro?" tanong James

"Lagi mo nalang iniinsist yung gusto mo kahit hindi naman talaga nakakatulong" sagot ni Kobe

Sobrang nararamdaman ko na ang tensyon ah! Kahit aircon, nararamdaman ko parin ang init nang ulo nang dalawang to!

"Ano ba! Tama na nga!" saway ko

Biglang dumating Ms. Kimmy. "Is there any problem?"

"No ma'am" sabay sabay naming sinabi

"Are you guys sure?" paninigurado ni Ms. Kimmy

"Yes ma'am" we all said in chorus

"Okay then" sabi niya. Tinitigan niya kaming lahat. "Two girls, come with me"

"Okay ma'am" sabay namin sinabi ni Ashley

Pumasok sa loob nang guidance at dumiretso sa table ni Ms. Kimmy

"Punta kayo sa college building, sa room 302. Mga psych yung mga yun" tapos may binigay na mga papel si Ms. Kimmy. "Pasagutan niyo yan sa kanila, prelim nila ngayon" tapos ngumiti siya. Ang cute ni ma'am "susunod ako sa inyo"

"Sige po" sabi namin ni Ashley.


Dumiretso kami sa room 302 sa college bulding. Hindi mukhang mga nerds ang mga college. Ngayon lang ako nakatungtung sa building na to. Para silang mga normal na estudyante sa college.

"Mga psych?" tanong ni Ashley

"Oo" sabi nung lalaki malapit sa pinto.

Pumasok kami ni Ashley. Puro lalaki ang mga psych students. Parang 5 lang ata ang babae.

"Susunod daw si Ms. Kimmy" sabi ni Ashley

"Cool!" sabi nung lalaki sa likuran "Mga high school magbabantay satin"

"Ma'am Kimmy po talaga, malapit na po siyang pumunta dito kaya umayo ka" sabi ko dun sa lalaki

"Wow taray!" sabi nung isa tapos nagtawanan na ang lahat.

Dun sa right side namigay nang test paper at bubble sheet si Ash. Ako sa left side. Okay naman at mapayapa ang pamimigay ko kayalang pagdating sa last row

"Ate" sabi nung isang lalaki

"Ano?"

"Naniniwala ka ba sa forever?" tapos nag apiran sila nang mga tropa niya na parabang nanalo sa pustahan.

"Ako, naniniwala ako na babagsak ka kung hindi ka tumino" sabi ko nang diretso at pinipigilan tumaas ang kilay. 

"Boom!" sabi nung isa

Nakakainis tong mga to, kahit na mas bata kami dapat rumerespeto din, parang walang pinag-aaralan. Bakit ganon? Diba dapat ang mga nakakatanda ang mga nagtuturo kung paano rumespeto? Bakit parang kung umasta sila hindi nila alam. Kami kaya inatasan dito magbantay kaya dapat hindi nila kami pinagtiripan.

Nerd UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon