A/N: Hi! Ate Jamie here! Sorry Ang tagal ko mag-update. Mga ilang buwan na siguro. Wala talaga akong maisip tapos busy pa kasi pumunta kami sa province for a mission. Pagpasensyahan niyo na din tong update na ituu.
[Hannah's POV]
Ano kaya napaniginipan ni James? Di ako makakatulog neto. Argh! Bakit kasi ang tsismosa ko?! Amp. Sige na nga. Wala na akong paki dun! Wala talaga! Argh! Di ko mapigilan maisip! Azar.
"Gusto mo malaman honey?" Ayan ngumiti na naman siya sakin. Nilihis ko yung tingin ko sa kanya. Eh? Bakit ka ba kasi ganyan. Wag mo kong ngitian or else your dead meat! "Sweety! Wag ka na magtampo. Sasabihin ko na sayo" tapos serious face na siya ngayon.
"Ano ba kasi napanaginipan mo?"
"Actually, yung ex ko yung napaniginipan ko." seryosong seryoso ang mukha niya. Tapos tinignan niya ako "Sorry honey ah? Di ko na masasabi sayo yung mismong napaniginipan ko. Ang sakit kasi eh. Wag ka nang magtampo ah? Kalimutan nalang natin yun." tapos ginulo niya yung buhok ko.
"Bahala ka nga diyan" Ge. Wala na nga akong pakielam kung anong napaniginipan niya! Dapat wala akong paki sa kanya! Wala dapat. K.
Tumayo na ako. Pumunta ako papuntang Canteen. Wala naman kasi kaming ginagawa sa corridor.
"I will buy that one." sabi ko habang tinuturo yung isang balot ng chips. Kinuha ito ng tindera at binigay sakin. Binayaran ko ito. Pumunta ako sa upuan ng canteen may table dun, nilapag ko yung bag ko. Kinuha ko yung phone ko at nilabas din ang earphones. Tinaas ko yung volume. Wala akong naririnig ngayon kundi ang music na nagmumula sa earphones ko.
Nakita ko naman na nasa harap ko na si James. Sinundan niya ata ako. Umupo siya sa harap ko. Tapos nagsasalita siya. Hindi ko siya marinig. Di ko nalang siya pinapansin habang nagsasalita siya. Wala naman akong paki sa kanya diba? Dapat wala.
Nagulat ako bigla niyang hinigit yung earphones ko.
"Ano ba?!" irita kong sinabi.
"Ano ba yan?! Nagjo-joke ako dito tapos di mo ko pinapakinggan?!"
"Wala akongg time sa jokes mo." Tapos kukunin ko sana yung earphone ko kaso tinaas niya yung kamay niya.
"Hoy! Akin na yan! That's mine!" Aba't tumayo pa siya at tinaas niya yung kamay niya. Tumalon ako kasi ang tangkad niya pero di ko talaga makuha yung earphones ko. Tumigil nalang ako sa pagkuha nun. "Well, I'll just buy another one." sabi ko sa kanya.
"Ayy! Ano ba yan!" kinuha niya yung earphones niya sa may bulsa niya. "Ito nalang gamitin mo. Palitan tayo ng earphones para sweet!"
"Ayoko nga! Baka may ear dirt pa yan! Yuck!"
"Grabi ka naman sakin." nagpuppy face siya "Please?" Haynako.
"Alright. Pero mas mahal yang earphones ko!" sabi ko
"Ano ka? Sa paris ko pa to binili!! Tsaka parehas lang naman ng brand ah?!" tapos tinitigan niya yung earphones "O parehas yung atin magkaiba lang ng kulay oh?" Oo nga noh? Okay pahiya ako.
"Akin na nga yan!" kinuha ko na yung earphones niya. Sobrang wide yung ngiti niya. Halata mong masaya siya sa ginawa ko.
"HALA?!" gulat na gulat niyang sinabi
"Oh bakit?!"
"NGUMITI KA! AYAN OH! NAKANGITI KA!" sabi niya sakin na gulat na gulat.
"Bat? Bawal ba akong ngumiti?!"
"Ayan. Nakasimangot ka ulit. Baby! Ang ganda mo pagnakangiti! Ngiti ka ulit! Sige na Baby! Please?"
Sinamangutan ko siya at inirapan. Hay! Ngumiti lang eh. Anung big deal dun?!
Nung tumingin ulit ako sa kanya.. Nakatingin parin siya sakin at nakangiti.
"What?!" inirapan ko siya tapos nilagay ko na yung earphones sa tenga ko.
"Hello!" nakangiting lumapit samin si Ashley "Puwedeng maki-upo? Recess na eh."
Di ko siya pinansin. Nabadtrip kasi ako dito kay James! Kahit na nagbabagong buhay ako, di ko parin maiwasang bumalik sa dati ko. Pero atleast di ko inaway si Ashley. Yun nga lang di ko siya pinansin.
"Crush mo talaga ako! Wag ka nga dito!" sabi ni James.
"Ha? Hindi ah?! Friend ko kasi to si Hannah kaya gusto kong tumabi sa kanya."
Di ko alam pero pag yan ang naririnig ko automatic na eto lumalabas sa bibig ko. "Sino nagsabi sayong friend kita?"
Nagulat si James, mas lalo na si Ashley sa sinabi ko. Ako nga rin nagulat eh! Automatic na talaga ang paggtataray ko! Argh.
"Joke lang. Sige upo ka na sa tabi ko." bawi ko
Di umiimik si Ashley. Parang natakot ata siya sakin.
"Ashely, Joke lang yung kanina. Sige upo ka na." ayan ngumiti na ako.
Ngumiti din siya sakin. Buti nalang mabait siya. Tapos umupo na siya sa tabi ko.
Nasa Classroom na kami. Tapos na rin kasi ang break time kaya puwede na kami pumasok ni James kahit pinalabas kami kanina.
"Gutom na ko." james. Pacute nanaman! Argh
"May sinabi ba akong busog ka?"
"Taray naman ng baby ko!"
"Stop calling me baby!"
"Sorry na babe"
"Ewww! I Hate youuuuu, like, I want to punch your face, like, literally! Urgh!" Okay Hanna, kalma lang! Nagbabagong buhay ka na diba?!
"If you wan't to punch somebody, just close your eyes and breathe." biglang sulpot ni Kobe.
Tinignan ko siya. Nagtataka ako. Life coach ko ba siya?! Sige na nga. Pinikit ko na yung mata ko tapos huminga ako ng malalim. In fairness effective!
Wait lang?! Bakit nga ba ako nagbabagong buhay?! Nakita ko lang na mabait si Kobe tapos gagayahin ko?! Abnormal na ata ako!! Bakit ako nagbabago?! Arg! Naguguluhan na ako. Parang gusto kong magbago na hindi! Nakakaasar talaga!
"Magbago ka na. People change" bulong sakin ni Kobe. Er? Like duh?! Psycho ba siya or what? Pano niya nalaman iniisip ko?!!
"Ewan ko sayo!" sabi ko sakanya.

BINABASA MO ANG
Nerd University
Fiksi RemajaNaranasan mo na bang maging estudyante? Kung oo, sigurado akong nagawa mo nang mangopya, magpakopya, bumagsak sa exams, makipagsisikan sa jeep, mang-hingi nang papel, mawalan nang ballpen, mangbully, binully, palabasin nang teacher, ma-office at hin...