Chapter 18

63 1 0
                                    

A/N: Kamusta bakasyon niyo? Sana nag-enjoy kayo :) Kaway-kaway sa team bahay! Hahaha.

------

Hannah's POV

Kinakabahan ako ngayon. As in sobra! Parang triple ang bilis nang puso ko ngayon kumpara sa normal heart beat ko, dala kasi ni Jenny yung class card ko. Mas lalong lumakas yung kabog sa dibdib ko nung inabot na ni Jenny yung card ko. Nakapikit ako habang unti-unti kong binubuksan, eto na malapit na!

"Aaah!" para akong nabuhusan nang kumukulo at mainit na tubig, malamang, meron bang kumukulong malamig? Shunga lang? Anyway parang din akong pinagsakluban nang langit at lupa! Shockings! Di ko alam irereact ko. De joke. Alam ko ang irereact ko, ano? Engot ba ako at hindi ko alam irereact ko? Bat ba ang pilosopo ko ngayon. At di lang yun, ang weird ko pa at bakit ko binabara yung sarili ko?! Teka nga! Nababaliw na ako. So yun nga, alam ko na irereact ko yun ay ang magwala! Sino ba naman ang hindi magwawala kung may 75 sa class card diba? Grabe lang?! Sarap ibato yung card!

Kasalanan tong lahat ni Mr. Aparador! Kung ginalingan niya lang ang pagtuturo sa math edi sana nagets ko at hindi ako pasang awa ngayon! Kasalanan niya talaga! Kung pinilit niya lang ako gumawa nang mga assignments edi sana mas mataas ang mga nakuha ko?! Sana pinilit niya akong mag-aral nang mabuti! Kasalanan niya lahat to! Charot lang.

"Bat ganyan itsura mo? Patingin nga." sabi ni Kobe at mabilis na inagaw sakin yung class card ko. Ang daya! Hindi pa ako ready eh inagaw niya agad! Kairita talaga to! Alam ba niya yung word na confidential? Dapat hindi niya tinitignan ang mga ganyang bagay! It's confedential!

"Ano ba! Ibalik mo sakin yan!" sabi ko habang inaagaw sa kanya. Grabe yung pagtitig niya sa card ko ah! Para namang may ginawang masama yung card ko sa kanya. Pakisabi kalama lang siya! Pero tae! Ang tangkad niya, hindi ko maagaw yung card ko.

Nakakahiya talaga! Ang tali-talino niya e. Maiisipan niya siguro na super stupid ko na shunga at engot ako. E sa yan lang talaga nakayanan ko. Mahina ako sa math. Ayan inamin ko na.

"Atleast pumasa ka" sabi ni Kobe tapos binato sa mukha ko yung card. Nang-aasar ba siya?!

"Hoy! Anong ibig mong sabihin ha? Bakit? Di mo ba ineexpect na papasa ako?!" grabe siya ha! Ang liit naman nang tingin niya sakin!

"Oo, alam kong hindi ka sanay sa mahihirap na quiz at exam. Madali lang exam niyo sa Reaching e" sabi ni Kobe. Ang yabang! Kala mo kung sinong matalino.

"Hoy! Para sabihin ko sayo, ang RSA ay pangalawa sa pinaka magandang eskwelahan dito sa bansa!" pagmamalaki ko.

"Oo nga, pero ang Nerd Uni ang pinaka sa pinakamagagandang school." sabi niya "Mahirap pumasa kaya congrats sayo at nakapasa ka" aba! Yabang talaga! Sarap palamunin nang milk tea!

"Ang yabang mo! Kala mo kung sino ka! Sarap paputukin nang ulo mo, lumalaki e."

"Hindi naman kita nilalait ah. Compliment yun. Mahirap talagang makapasa dito sa school namin. Hindi ka naman nerd pero nakapasa ka. Nakakabilib yun, lalo na nakapasa ka sa math. Magpaparty ka na." sabi niya at ngumisi pa. Umakyat na siya sa kwarto niya.

Aba! Hindi ko alam kung totoo ba yung sinasabi niya o nang-aasar lang! Nakakainis! Ang yabang talaga! Baka siya din ha. Baka nga 65 siya sa math e! Kala niya! Yabang! 

"Jenny!" sigaw ko

"Bakit?" tanong niya

"Patingin nang card ni Kobe" utos ko

"Sigurado ka?" tanong niya

"Oo naman. Yabang e. Kala naman kung sinong matalino. Baka nga mas mababa pa siya sakin!"

Nerd UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon