Chapter 21

60 1 0
                                        

A/N: Ito po ay third person. Meaning hindi POV ni Hannah. Enjoy reading!



Huminga nang malalim si Hannah habang papasok nang sasakyan, iiwan niya na ang bahay nang mga Perez. Nag-iiyakan naman ang mga kasambahay, mamimiss talaga nila si Hannah.

Pinigilan ni Hannah umiyak nang buksan ang bintana nang sasakyan. Ngumiti siya ngunit bakas sa kanya ang kalungkutan. "Wag kayong mag-alala, dadalawin ko pa naman kayo eh." sambit niya. Lalong lumakas ang mga iyak nang mga tao lalong lalo na si Jenny.

Tumingin sa paligid si Hannah. Hindi niya makita si Kobe, nagtataka siya kung bakit hindi man lang siya nagpakita at nagpa-aalam man lang bago siya umalis. Hindi niya alam na nasa gilid lang si Kobe, natatakpan siya nang malaking pader sa garahe, naririnig niya ang mga iyak nang mga tao. 'Ang drama naman' sabi niya sa sarili. Ngunit hindi rin niya mapagkaila na sumasakit ang dibdib niya sa pag-alis ni Hannah. Kinagat niya ang ilalim nang labi niya at umalis sa lugar na iyon. Ayaw niyang makita siyang nanghihina. Hindi na niya itinago pa sa sarili kung gaano siya kalungkot nung nakapasok na siya sa kuwarto niya. Umiyak siya nang walang nakaaalam.

Sinara na ni Hannah ang bintana nang sasakyan. Kasabay nang pag-andar nang sasakyan ang pag-tulo nang mga luha niya sa mata, parang nagkakarerahan kung sino ang unang tutulo. Hindi niya mapigilan ang pag-iyak, sumasakit ang dibdib niya. Hindi siya makahinga. Sobrang naging close niya na ang mga tao dun. Kung may choice lang siya, mas gugustuhin niyang huwag na umalis at manatili na doon.

Ngunit maliban sa pag-alis niya, may isa pang dahilan kung bakit masama ang loob niya: 'hindi man lang siya nag-pakita sakin! Anong klaseng tao siya. Kahit isang bye lang eh. Nakakainis siya! Gusto ko sanang mag-paalam sa kanya nang maayos kasi siya pinakaclose ko dun pero di man lang nagpakita misiki anino wala!' lalong sumakit ang dibdib niya nang sabihhin niya yun sa sarili. Lalo siyang napaiyak.


Nang-nakarating na siya sa bahay, bumugad ang mga kasambahay nila na tila takot na takot sa kanya.

Ngumiti siya sa kanila "Wag kayong mag-alala, hinding hindi ko na kayo aawayin." tapos lumakad na siya papunta sa kanyang kuwarto at sumunod naman ang driver na dala ang mga gamit niya.

Laking gulat naman nang mga katulong ang kinikilos ni Hannah.

"Himala!" sabi nung isa

"Baka hindi siya yan, baka nagpapanggap lang siya. Hindi siya puwedeng maging si Hananh" sagot naman nung isa

"Manahimik kayo. Gawin niyo nalang ang mga trabaho niyo!" sabi nung mayor doma.


Sa kabilang banda, habang naglalakad si hannah sa kanilang hagdanan ay naaalala niya ang mga pinagagawa niya dati. Hindi siya makapaniwala na nagawa niya ang mga kamalditahan na iyon. Tumawa nalang siya nang mahina.


Nung nasa kuwarto na siya ay humiga na siya sa kanyang kama at pumikit. Nais niya munang matulog dahil napagod siya kakaiyak sa sasakyan at sa pagiisip nang mga kung anong bagay.

Bukas pa nang madaling araw babalik ang kaniyang mga magulang at kapatid. Gusto niya na may lakas siya kapag nagkita na sila, matagal narin siyang nangulila sa kanila. Hindi niya mapigilan ang excitement.


"Gising na anak! Nandito na kami" naririnig niya ang magandang boses nang babae, iyon ang kanyang ina.

"Ma!" napaupo siya sa kanyang higaan. Hindi niya maexplain ang kanyang nararamdaman. Sobrang saya niya. Naiiyak siya sa saya. Binigyan niya nang napakahigpit na yakap ang kanyang ina. Lumapit naman ang kanyang ama at kapatid.

Nerd UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon