Chapter 23

59 0 2
                                    


"Salamat Ashley sa pagdamay sakin umiyak. Kahit paano gumaan ang pakiramdam ko" sabi ni Hannah. Naramdaman niyang hindi siya nag-iisa. Kasama niya si Ashley.

Ngumiti lang si Ashley at yumakap kay Hannah "Salamat din kasi naging kaibigan kita."

Kinabukasan..

Gulat nanaman ang mga nerds sa pagdating ni Hannah. Nakauniform na siya ngayon. Tumayo siya nang tuwid sa unahan. "I would like to apologize for what I did yesterday. I was stupid and careless. Sorry" yumuko siya at lumapit kay Leo "Sorry Leo."

"Okay lang. Naiintindihan kita" ngumiti si Leo

"Salamat"

Lumapit naman siya sa babaeng nasampal niya "Sorry"

"Ah eh. Okay lang" tapos ngumiti

"Thank you ah" nahihiya si Hannah sa mga mga pinaggagawa niya kahapon. Pero mas lalo siyang nahihiya kay Kobe dahil sa lahat nang sinabi niya kahapon sa binata. Pero pinili niya parin lumapit kay Kobe. "K-kobe. Sorry kahapon" sabi niya

"Tatandaan mo palagi, namatayan din ako. Kaya alam ko ang nararamdaman mo" sabi ni Kobe at tinap ang balikat ni Hannah. Ngumiti naman si Hannah.

"Ako, babe. Nandito lang ako lagi para sayo kaya wag ka nang malulungkot" singit ni James

"Ako din. Nandito lang ako." singit din ni Leo

"Alam mong nandito rin ako" Ashley

"Ako din"

"Ako din" at buong klase ang lumapit kay Hannah "group hug!" at niyakap nila si Hannah 

"Salamat sa inyong lahat. Pasensya na talaga kayo" naiiyak na sinabi ni Hannah.

Nawala man ang pamilya niya, meron pa naman siyang mga kaibigan na pamilya na ang turing sa kanya.

Dumating na ang Class Adviser nila at pinaupo na sila sa kanilang mga upuan.

"Bukas na yung educational tour niyo. Excited na ba kayo?" tanong ng teacher.

Walang sumagot. Ayaw nang mga nerds nang field trip. Mas gusto pa nila sa library kesa sa kahit anong lugar. Mas gusto nila ang amoy nang lumang libro at nakakabinging katahimikan sa library.

"Kailangan niyo to. Kahit ayaw niyo. Sa regular school, lahat excited sa field trip. Pero wag kayong mag-alala. Mag-eenjoy kayo."


Gabi palang hinanda na ni Hannah ang kanyang gamit para sa field trip. Extra shirts, pagkain, gadgets at iba pa. 

'Kung nandito si Amos sigurado ako magpupumilit yun sumama' sabi niya sa sarili. Nalungkot nanaman si Hannah. Tumutulo ang kanyang luha habang nag-aayos nang gamit.

'Sana hindi nalang sila nawala. Bakit ba ganito?! Bakit sila pa? Kung kelan nag baging buhay na ako, tsaka nagkaganito. Tsaka sila nawala? Sabi nila may purpose daw ang Diyos pero sana naman paintindi niya sakin yung purpose niya. Baka sakaling mas matanggap ko. Ang sakit na kasi e. Sobrang sakit. Tuwing naalala ko sila hindi ako makahing. Parang sasabog yung loob ko'

Humiga siya sa kama niya at nakatingin lang sa ceiling. Wala paring tigil ang pag-agos nang kanyang mga luha. Hanggang sa pumikit na siya at nakatulog. Gabi-gabi ganyan ang eksena. Nakakatulog siya sa pag-iyak.


5:30 am nasa school na sila. Pinapila sila at pinapunta sa kanya-kanyang bus. Magkatabi si Hannah at si Ashley sa may gitna nang bus. Sa kabila naman si Leo at Kobe. Si James naman sa likod. Wala siyang katabi dahil walang nerd na gustong umupo sa likod nang bus. 20 lang sila magkakaklase kaya halos maraming bakanteng upuan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nerd UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon