Chapter 3

74.2K 2.8K 829
                                    

Celestine's POV.

"Hehe..."

'Yon lang ang naisagot ko bago awkward na ngumiti sa kanya.

"Yung mga tao talaga rito ang chismoso," bulong ko bago pekeng ngumiti sa kanya.

"I see." Dumiretso siya ng tayo kaya narealize ko kung gaano ako kaliit sa kanya. I think he is over six foot and I am just 5'2.

He looks like a post and I am a damn grass on the ground.

"Would you mind going inside and clarifying it to everyone then?"

"Bakit?!" napataas ang boses ko, kusa akong napalunok dahil sa reaksyon ko. "I mean bakit?"

Hindi naman sa ayaw ko pero ayoko kasing nagmumukhang sinungaling. The face of Celestine Montenegro, is the face of credibility and pure beauty.

"Bakit hindi?" he asked.

"Bakit ayaw mo?"

"Bakit gusto mo?"

"Masisiraan ako ng ulo kapag ikaw ang kausap ko," I murmured pero tila narinig niya because he smirked a bit.

"Doctora—"

"My name is Celestine, you can call me by that name or you can play along and call me wife." Diretsa kong sabi sa kanya.

"I do not want to act and lie for you."

"Edi don't."

"You are confusing me, are you crazy or may gusto ka sa 'kin?"

"Pagsinabi ko bang oo, akin ka na?"

"Woman!"

"Geez." I smirked. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ng mabilis ang chest niya. He tried to move a bit pero hinawakan ko ang uniforme niya. "Hala, Captain, ang bilis ng tibok ng puso mo, hulog na hulog ba?"

He removed my hands from his uniform at hindi ko na napigilan ang pagtawa ko.

I realized na baka na guwapuhan lang ako sa kanya nung unang beses kaming nagkita kaya uncontrollable ang emotions ko. I am still Celestine, the lioness of the Montenegros. I am born to torment guys, hindi ko pa panahon para magseryoso.

Baka pagiging sugar mommy ang tadhana ko. Lol, my dad will kill me. I can imagine Tita Sanya shouting on top of her lungs.

"Don't worry, I will tell them. 'Wag ka ng masungit dyan, iisipin ko broken hearted ka pa rin doon sa babae sa parking lot—"

"Don't mention it, tapos na ako roon. You can forget about that."

Inayos ko ang buhok kong patuloy na nililipad ng hangin before giving him a smile.

"Yes sir,," I said after winking.

"Why are you using my last name? What's your real name?" he asked.

Englishero pero mahina sa memorization, nagpakilala na ako nung gabi ha? Baka gandang-ganda sa 'kin ito at nagfocus na lang sa mukha ko kesa sa sinasabi ko.

"Bakit interested ka sa last name ko?" tanong ko sa kanya kaya kumunot ang noo niya, pinigil ko ang sarili kong tumawa.

"Because you look familiar."

"Kasi nga ako yung nasa future mo." I giggled.

"Pray woman, pray you are not losing your sanity."

Ikaw kaya ang ipagdasal ko dyan. Relihiyoso siguro itong isang ito.

"'Yun lang ba ang dahilan bakit mo ko hinintay ngayon?" I asked him.

"I need my jacket back."

Saglit akong natigilan, I was hesitating on my mind dahil kahit hindi naman sa 'kin iyon, somehow it's kinda sentimental for me.

THE MAN IN GREEN UNIFORM (Montenegro Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon