Chapter 15

49.4K 2K 542
                                    

Celestine's POV.

I was knocked back to my senses dahil sa malakas na pagkatok sa kwarto ko.

Sabi ko na, bad idea na rito ako natulog, pero anong magagawa ko? Tamad na tamad ako mag drive pauwi sa condo ko.

"Mamita." That sound made me jump out of my bed, it's our 3 years old Elle.

Siya yung anak ni Paris, but we ended up keeping her, dahil napamahal na siya sa lahat rito.

She crawled into my bed and hugged me.

"Are you okay mamita?" That question made my mouth dry, I shouldn't be emotional again.

"Of course, mamita is okay, really, really okay," I told her as I give her a smile.

"I love you mamita, dada asked me to check on you."

"Stormy!" I called to my brother.

Mabilis na may pumasok sa kwarto ko, pero laking gulat ko ng hindi si Storm iyon, kundi ang daddy ko.

Nakauwi na pala sila.

"Celestine, what happened hija?" Straight forward na tanong sa 'kin ni daddy.

"Go to dada muna," I told Elle, she smiled and kissed daddy first before running back dowstair.

I sighed as I tried to smile at him widely.

"Daddy, about saan? Kay Stephen ba?"

"Did he cheat on you? Pinagpalit ka ba niya roon sa artista? Tell me, what he did to you and I'll do everything to make sure he will remember what I told him."

"Daddy, wala, hindi niya ako niloko."

I lied. I lied for him, for the last time.

Ayoko na lang sanang pag-usapan pero kailangan dahil magulang ko ito.

Dalawa or tatlong buwan na ang nakalipas simula ng sabihin niya sa 'kin iyon, simula ng hayagan nyang sabihin sa 'kin na mahal niya pa si Tamara at magkaka-anak na sila.

Ngayon lang nalaman nila daddy ito dahil ngayon pa lang sila officially nakabalik ng bansa, they were so busy sa mini honeymoon nila at business affair.

"What?" Frustration is written in my dad's face. He is so mad right now at hindi imposibleng malagay sa panganib si Stephen sa isang maling sagot ko lang.

This is not being stupid, this is not being masochist, this is me, slowly letting him go, letting all the anger and pain subside, little by little.

I am not okay, hindi ako ayos na ayos pero after sulking and crying for one to two weeks. I was really heartbroken pero narealize ko na hindi dapat huminto ang mundo ko, hindi dapat ako ma stuck doon.

I spent my time in the hospital here, in doing charity works. Finally, nailabas na rin sa publiko ang tunay kong pagkatao.

People call me, the 21st century kind of princess, everybody wanna be on my shoes, lahat sila gusto ng success ng pamilya ko, lahat sila gustong maging si Celestine Montenegro, the one who have it all.

Bumalik ang pagiging shopaholic ko, parang binawi ko yung ilang buwan na pananahimik ng credit cards ko. Gucci, Prada, Hermes, you name it, nasa card ko na ata lahat.

"Celestine," My dad called me.

"As I was saying dad, don't blame Stephen."

"What?! Why?!"

"Ako yung nakipagbreak sa kanya, nasa Cuba pa lang kami."

"Are you telling the truth?"

"Daddy naman, kilala mo naman ako, pag na bored ako, I tend to throw guys away, na bored ako, narealize ko, hindi kami match talaga, so I ended that lousy relationship."

THE MAN IN GREEN UNIFORM (Montenegro Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon