Chapter 28

58.5K 2K 479
                                    

Celestine's POV.

Hapon na ng makalapag ang eroplano namin sa airport sa Cuba.

Nagmamadali akong kumilos, I have been trying to contact Stephen's phone number pero hindi ko iyon ma contact.

Did he change his phone number? I also sent messages to his IG pero hindi niya pa nasi seen iyon. He didn't block me but is he busy?

Dahil hindi ko sigurado kung nasaan siya ay napagdesisyunan ko na lang na magpunta sa ospital. Maybe may idea si Georgy or baka may maabutan akong comrades nila roon.

Mabilis na pinahinto ang sasakyan na lulan ako sa isang kanto, hindi na kalayuan ang ospital dito.

Mabilis akong bumaba ng sasakyan ng makita kong nahihirapan ang driver ko makipag usap sa mga ito.

Pagkababa ko pa lang ay nakita ko ng mas maayos ang uniporme nila, they are part of Cuba National Police, marami sila roon.

"What's happening?" I asked kaya naman napalingon ito sa 'kin.

"Sorry miss, you are not allowed to enter."

"Why? My hospital—"

"You cannot enter the military war zone."

"What warzone?" mas na confused ako.

"Are you from here?"

"I am!"

"Clearly you're not, two days ago, the rebel started a mass killing, our military people are trying to hold them off."

When he said that ay nakarinig ako ng malakas na pagsabog na siyang nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"What's that?"

"Just go miss, it's not safe here."

"But there is a hospital there!" sigaw ko rito. "There are patients and residents."

"We already moved the patients, some residents left too-

"All of them?"

"No." Umiling ito. "Who are you?"

Mabilis kong inilabas ang ID ko at pinakita sa kanya.

"I am a Doctor, I own the hospital, now answer me, we're you able to move eveyone?"

He looked at me hesitantly.

"No."

"What?!"

"Well, all patients are secured and move but some of your residents are hard headed, Filipino people mostly, they decided to stay and help with medical staff, to aid for the wounded soldiers."

Napalunok ako, I was so busy with my life, with everything na hindi ko na napagtuunan ng pansin to.

Hindi ko magets kung bakit hindi sinabi sa 'kin ni Georgy ito! But knowing him, if he can handle it, he'll do it himself.

"You have to let me in."

"No!"

"My people is in there! It's either you'll let me in and help there or nobody will stay and help your army."

Nagsukatan kami ng tingin. I am very persistent now.

Ilang minuto itong nag isip before they decided to let me in.

Hindi na pinapasok ang kotse kaya naman naglakad na lamang ako papunta sa ospital.

Sobrang tahimik ng paligid. Maya't maya kong naririnig ang palitan ng bala, ang pagsabog sa kagubatan.

I couldn't think properly dahil kinakaban ako para sa mga tao ko, at lubos na nangingibaw ang pag-aalala ko kay Stephen.

Sigurado ako, he is there, isa siya sa mga nakikipagpalitan ng bala sa mga rebelde, fighting for these innocent people.

THE MAN IN GREEN UNIFORM (Montenegro Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon