Chapter 8

55.9K 2.4K 339
                                    

Celestine's POV.

"Miss president, tumawag po si Chairman—"

"If tumawag ulit si Daddy, tell him, I'll call him back, nagmamadali talaga ako," sagot ko rito habang kinakabit ko ang hikaw ko.

"Aalis po kayo? Work off—"

"Sssssh," sabi ko rito. "Just sssshh, alam mo, dalaga ka pa naman diba, go ahead, makipagdate ka."

"Miss President, are you going on a date again with Captain Connor?"

Dumiretso ako ng tayo at napatingin sa kanya.

"To be honest Miss President, I am not sure how to say this, pero gusto kong malaman n'yo na masaya ako para sa inyo, masaya ako na, finally you're taking someone seriously."

"You think, I am serious about him?"

"Yes, bukod sa ang tagal n'yo na pong lumalabas, napakagwapo ni Captain, lagi niya po kayong inaalagaan at inaasikaso, nakikita ko rin pong masaya kayo sa kanya."

I was taken back, my assistant, Cath is smiling brightly at me na para bang may magandang desisyon akong nagawa bukod sa hindi pagbili ng bag nitong mga nakaraan.

Stephen has been courting me for months now. If you ask me how I feel, pakiramdam ko ay parang kahapon niya lang sinabing gusto niya ako at liligawan niya ko. He never failed to surprise me and makes me special in all the best he can do.

I feel like a kid whenever he is around me, he is strict and caring, malambing pero seryoso. He will often come to visit my condo, just to clean up my mess or cook for me.

Having him around me, makes me feel like nagkagusto ako sa mga boys. Sa mga batang lalaki at hindi sa katulad nyang lalaki na talaga. That Man In Green Uniform is enough to make me feel like lahat ng paghihintay ko ay worth it.

He will also pick me up and drive me to the hospital kung hindi siya kailangan sa kampo, everyone in the hospital is rooting for us dahil bagay raw kami.

I am also rooting for him, na sana, siya na ang matagal kong ipina-panalangin.

"I am happy," maikli kong sagot sa kanya bago siya nginitian. "Pero mababawasan 'yon kapag hindi ka pa umalis dyan, nasa baba na siya."

"Have fun Miss!" sigaw nito sa 'kin bago ako lumabas ng unit ko.

I am wearing a white v-neck shirt and just a pair of not so short shorts and a pair of Balenciaga white track sneakers.

Habang nasa elevator ako pababa ay binuksan ko ang instagram ko, mabilis akong pumunta sa profile ni Stephen.

Hindi ko na ito na stalk after nung nag confess siya sa 'kin, kaya naman laking tuwa ko ng makita ko ang dalawang picture ko.

One is while I'm standing in front of my hospital. Umaga at nakangiti ako, I assume it is one of those days na hinatid niya ako. It has about 800 hearts reacts, his comment section is turned off pero he captioned it

My doctora.

He is not an orphan, his dad is a higher official in the Philippines, married to a housewife, meron siyang nakakabatang kapatid, which is just 12 years old, his name is Selestiel Landon.

I wish I can tell him about my family right away, pero gusto kong dahan-dahanin dahil nililigawan niya pa lang naman ako. I don't want to surprise him na miyembro ako ng isa sa mga kilalang pamilya sa Asya at Amerika.

Aasarin na naman niya akong spoiled brat, main reason kung bakit nilimitahan ko ang pagbili-bili ng bags, shoes, perfumes, at alahas. I am trying to level to him too.

THE MAN IN GREEN UNIFORM (Montenegro Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon