Chapter 5

57.7K 2.8K 649
                                    

Celestine's POV.

"For sure, hinabol-habol nyan si Captain."

"I agree, hindi naman siya ganoon kaganda."

"She even wears fake things, mga class A shoes."

"I hate her, ini-aim niya talaga si Captain, she even tried to use his surname, nakakadiri."

"We all know na hindi nagsi-seryoso si Stephen, edi sana, noon pa lang, ako na niligawan niya, he must be bored that's why he is playing with that new doctor."

Huminga ako ng malalim at bumilang ng hanggang 30 dahil baka manugod ako at maunang umuwi sa Pilipinas itong mga nurses na ito kasama itong si Dra. Trina.

Dumiretso ako ng lakad at nag pretend na hindi ko sila narinig kanina.

Lunch break kasi ngayon. I feel lightheaded kaya naman bumaba ako sa cafeteria para kumain sana dahil baka nagugutom ako. Cath prepared my diet meal at dito ko sana balak kainin.

I texted Cath to follow up if dumating na ba yung mga inorder kong chips and cookies galing sa favorite kong shop sa Paris. Hindi pa siya nagrereply. She is busy organizing my schedule and my other work sa Montenegro Corp.

Kahit pa pinamamahalaan ni Storm iyon. I still have my part and share there.

"Look who's here." Mataray na humarang sa rinaraanan ko si Trina.

"What do you need Trina?" I asked her as nicely as I could.

"Show some respect, senior mo ako rito, Celestine."

"I was just simply asking what you need, I need to eat," sabi ko.

"I really hate your attitude, stop pretending na you're perfect and wealthy, for sure, may tinatago kang baho."

"Ano na naman to Trina?" Lumapit sa 'kin si Georgy ng nakataas ang kilay.

"'Wag kang makisali rito, hindi ikaw ang kinakausap ko."

"You're bullying newbies, hindi porket siya ang bet ni Papa Stephen, aarte ka na ng ganyan, baka gusto mong ma-report?" Georgy said.

Just by looking at Georgy, natutuwa ako, he doesn't know me at all pero in my stay here, I really liked how protective and nice he is. Idagdag mo pa ang pagka-kuwela nito dahil bakla siya.

"You can try," mayabang na sagot ni Trina. "My family is close to the Montenegros. Duh!"

Kumunot ang noo ko.

Hindi kami close sa kanya, definitely not. My parents are closed only to limited people, lahat halos ay kakilala ko, I don't know her.

"Wala akong panahon para rito, if you will excuse me," sabi ko bago dumiretso sa isang table.

"Akala mo sinong reyna rito," naiinis pang sabi ni Georgy. He sat down in front of me at nagsimula ng kumain. I opened my packed lunch pero nanatili akong nakatitig doon dahil wala akong ganang kainin 'yon, given the fact na crackers lang kinain ko for breakfast kanina. "Ano, okay ka lang ba girl?"

"Sorry, what?" I asked Georgy.

"Anyare ba sa 'yo? Saan ka ba rinala ni Capt? Hinatid ka lang niya diba? Bakit parang biyernes-santo ang peg mo? Jowa mo ba si Capt?"

"Dami namang tanong," sabi ko. I sighed. "Di ko siya boyfriend, may pinasuyo lang siya sa 'kin."

"Oh well, he's hot and gwapo but I know hindi achieve ng ganda ko ang isang tulad niya, kaya kayo na lang isi ship ko—"

He was interrupted ng bumahing ako, mabuti na lang I am quick enough to pull out a tissue and cover my nose and mouth. Geez ang disgusting.

"Teka nga, are you okay, ang putla mo!" Mabilis nyang inilapat ang likod ng palad niya sa noo ko. "Ay gaga ka, nilalagnat ka! Ano at pumasok ka pa, nagwo work tayo para manggamot, hindi magkalat ng virus!"

THE MAN IN GREEN UNIFORM (Montenegro Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon