Wakas

64.5K 2.5K 1K
                                    

Celestine's POV.

"Aww ang cute ng baby."

Mabilis kong iniwas ang karga ko sa akmang paghalik ni Georgy rito.

"Eew Georgy get away from my baby," sabi ko rito.

"You're super ate," sabi nito sa 'kin.

"Kakagaling mo lang ng operation, baka may dala kang virus," sabi ko bago tumawa.

"How dare you! I am one of your best resident here," sabi nito sa 'kin. "Atsaka feeling ka, feeling anak mo?"

Sinimangutan ko ito. Bago ngumiti sa karga kong baby. He is one year old na. Anak siya ni Cath kay Abraham, it's like his farewell gift to her.

Kung alam ko lang sana, edi ako rin. Joke lang, baka hindi kayanin ng tatay ko yun.

"Panira ka, hindi ka ba masaya?"

"Wow, may lovelife ako doctora, ikaw?"

"Samuel." Cath called his son na ayad naman na nagligalig kaya naman nung makalapit si Cath ay agad itong lumipat.

"Akala ko ba ako love mo?" tanong ko rito pero he just giggle, pinisil ko ang pisngi nito.

"Tita of the year ka na lang ghorl?" Georgy teased me.

"Gusto mo maging unemployed of the year?" inis kong sabi rito.

"Ito namang frenny ko, hindi mabiro."

"Thank you for looking after Sam, Miss President," sabi ni Cath, I just nodded and played with the kid.

"You are the most successful woman in my circle, yet parang may kulang pa rin sa 'yo, magpamilya ka na kaya?"

"Geez, Georgy, mind your own business."

"Pumayag ka na lang kaya makipagdate ulit doon kay Nicholas."

"Aalis na ako Cath, baka may matanggalan ng trabaho rito," sabi ko bago ako nag wave.

"Saan pupunta 'yon?" Georgy asked.

"May lunch meeting po siya with Mr. Buenavista." Narinig kong sagot ni Cath kaya umiling ako.

"Hoy, malanding to, may lunch date pala kay Nicholas."

I just shrugged at nagmadaling umalis. Dumaan ako sa office ko and took off my white coat.

Before 12 noon ay papasok na ako sa favorite steakhouse namin ni Nicholas.

Akala ko ay maaga pa ako pero pagdating ko pa lang doon ay naghihintay na ito.

Mabilis akong bumeso sa kanya.

"Akala ko mas maaga ako sa 'yo," sabi ko, pinaghila muna niya ako ng upuan bago umupo sa harapan ko.

"Well, I know a doctor who doesn't like to wait, so I always need to be extra early," he answered so I smiled.

Madalas kaming kumain sa labas pero that is all that it is. We are good friends. Well, he is to me, I am just not sure about him.

Nasa middle kami ng pagkain ng magsimula itong magkwento.

"I saw Daniella Reyes."

"Where?"

"Sa isa sa mga in-sponsor-an naming school, she is teaching primary students."

"I see, good for her." 'yon na lang ang tanging sinagot ko dahil ayoko naman talagang pag usapan sya.

After what she did, Stephen's father cut ties with her, wala siyang nakuha kahit magkano, she became well known for what she did to Stephen's mom. Her reputation went downhill.

THE MAN IN GREEN UNIFORM (Montenegro Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon