SPECIAL CHAPTER 2

60.5K 2.2K 302
                                    

Celestine's POV.

Nakayuko ako, salo ng mga palad ko ang mukha ko.

I am slowly being eaten by guilt and frustration.

"Please, Celestine," he said.

Huminga ako ng malalim bago nag angat ng tingin sa kanya.

"Nicholas, alam mo naman diba? Dapat, alam mo na, na mahal na mahal ko sya, na I felt like my life was pointless nung akala kong nawala siya but he came back-

"How about me? Paano ako?"

"You're just drunk, hindi ka ganito."

"Mahal na mahal din kita, Celestine. Won't you reconsider that?"

I bit my lip.

"I also love you, pero patawarin mo ko kung hindi kita kayang mahalin sa paraan na gusto mo."

Nagbaba ito ng tingin at tuluyan ng humagulgol.

"Nick, I am sorry, I am really sorry."

Hindi siya sumagot, instead he remained quietly sobbing.

Alam ko naman, alam ko naman kung ano ang nararamdaman niya, alam ko naman how much he loves me, kaya dumistansya ako after Stephen came back kahit pa gaano ako kasanay na nandyan siya sa paligid ko.

May shift dapat ako sa ospital, kasama ko si Dakota at si Georgy pero when his mom called me dahil nga naglalasing ito rito sa bar, I didn't hesitate dahil alam ko kailangan niya ko.

Panahon na para mag usap kami, panahon na para tanggapin nyang totoo na hanggang dito na lang kami.

Naiwan ko pa ang cellphone ko sa ospital, malamang hinahanap na ko ni Stephen, hindi ko alam kung sasabihin ko bang pinuntahan ko si Nicholas or will pretend that this didn't happen at all.

"Nicholas," I called him. Medyo bumagal na ang paghinga niya, I hope na nagso sober na siya and he is calming down. Hinawakan ko ang balikat niya and shook him a bit. "Nicholas Collin Buenavista."

Dahan-dahan itong tumingin sa 'kin.

"What is it Mrs. Celestine Snow Montenegro-Buenavista?"

Linapit niya ang mukha niya sa 'kin kaya napa atras ako sa gulat. Mabilis ang pagtibok ng puso ko.

"W-why are you calling me like that?"

"My surname suits you better."

"A-ano ka ba?" mas nakahinga ako ng maluwag ng dahan-dahan siyang lumayo pero nakatitig pa rin siya sa 'kin ng diretso.

"Walk with me?" he stood up at nung akala kong mauuna siyang maglakad ay bumaling siya sa 'kin.

He offered his hand, I was really hesitant at first but what if this is the only thing I can do to lessen his pain?

Inabot ko ang kamay ko sa kanya, he held it and we walked out peacefully from that bar.

We are walking in a very quiet night, the modern buildings surrounding us are all beautiful even in the night.

Naglalakad lang kaming dalawa, hawak niya pa rin ang kamay ko.

"I was really devastated when I got your wedding invitation this morning, malay ko bang tototohanin mo yung biro kong imbitahin ako sa kasal mo."

"S-sorry."

Huminto ito at humarap sa 'kin.

"No, sorry." Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. "Sorry for being emotional and immature tonight."

THE MAN IN GREEN UNIFORM (Montenegro Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon