Chapter 7

53.9K 2.4K 548
                                    

Celestine's POV.

"Mga pang ilang balik na ba ni Captain dito?" Narinig kong pabulong na pang-aasar sa 'kin ni Georgy.

Pero nagpatay malisya ako at nagpatuloy sa pag-aasikaso ng pasyente ko. Kasalukuyan kasi kaming nagra-rounds at nadaan namin si Stephen kanina.

Ilang araw na rin ang nakalipas simula nung maraming isugod sa ER. May mga nasawi , but we we're able to save a lot more.

Nakita ko pa sa gilid ko ang malanding paglingon ni Georgy sa labas kung saan tanaw mo ang ER kung nasaan si Stephen ngayon, kausap ang ilang mga sundalo niya.

"Ang sarap niya friend," bulong nito sa 'kin bago ako kinurot.

Sinamaan ko naman siya ng tingin at bahagyang sinanggi ang braso para lumayo sa 'kin.

"Kainin mo, masarap pala."

"Sayo lang daw siya papakain sis—"

Hindi ko napigilan ang sarili ko at hinampas ko sa kanya ang hawak kong chart.

"Ikaw, tigilan mo ko," sabi ko bago ko siya iniwan ng tatawa-tawa.

It's actually true, he goes here, almost everyday. I get it, as a captain, you wanna check on your people pero wala siyang mintis kaya nagiging usapan na naman kami sa ospital.

Hindi ko alam kung anong mayroon kami, I feel like he likes me, pero wala naman siyang sinasabi kaya ayokong mag assume. Mapagbiro ako pero something about him makes me serious.

To be honest, kahit ang sarili kong damdamin ay tila hindi mapapagkatiwalaan. What he is giving me is a foreign feeling, malayo sa pagmamahal na akala kong naramdaman ko dati. Natatakot ako, natatakot ako sa kung ano ang tunay na ibig sabihin ng mabilis na pagtibok ng puso ko.

Hindi pwede, hindi, ayoko! Why would I take him seriously, he is just bored and all and I just wanna play too.

Isa lang itong laro.

I'm good at this.

I can win this.

Lumabas ako ng room na iyon at nagtungo sa nursing station. I need to sign some release forms.

Pumipirma ako ng mahagip ng paningin ko si Stephen.

May kausap siyang babae, naka-green army uniform din ito at sa balikat nito ay may puting bandana na may pulang cross, isang sign para malaman na parte ito ng medical army.

She looks beautiful, mas matangkad ito sa 'kin, pwede siyang pumasang modelo pero hindi ko malaman saan nanggagaling ang inis ko.

Stephen and her is laughing, they looked so close and happy.

Eh di kayo na ang masaya!

"Doctora, hindi po kayo dyan pipirma."

Masama kong binalingan ng tingin yung nurse sa harapan ko na tila nagulat dahil sa itsura ko. I tried to soften my expression.

Mula sa mukha ng nurse ay bumaba ang tingin ko sa pinipirmahan ko at halos manlaki ang mata ko ng makitang sinusulatan ko ang isang x-ray result.

"Can you request for another copy nito sa lab?"

Naiilang itong tumango-tango sa 'kin.

Nakakahiya, nahihiya ako sa nagiging reaksyon ko, hawak ko ang noo ko ng magtama ang paningin namin ni Stephen.

He looked at me seriously pero nagtaas lang ako ng kilay bago ako naglakad papalayo.

Sige, dyan ka sa babae mo. Goodluck sa genes!

THE MAN IN GREEN UNIFORM (Montenegro Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon