SPECIAL CHAPTER 1

63.6K 1.9K 294
                                    

Stephen's POV.

"Kuya, final na talaga yung theme ng kasal n'yo ni Ate Celestine?" Selestiel asked me for the nth time.

"I told you, your Ate Celestine picked that color and I liked it," sagot ko.

"But maganda rin yung suggestion ni Kuya Georgy na maroon something," he said, nakatutok ito sa nilalaro niya, we are playing the latest PS5.

"I still like yung navy blue motif ng Ate Celestine mo and it's our wedding, mas gusto ko pa rin na gusto niya ang nasusunod."

"Stephen, Selestiel, mag dinner na tayo." My mom announced kaya naman sabay kaming tumayo and walked our way to the kitchen.

Papalapit pa lang kami sa rining ay amoy na amoy na namin ang mabangong ulam that i am sure my mom cooked.

"Wow, favorite ko, sinigang!" Selestiel was too late excited na naupo na agad ito.

I sat down beside him, nasa tapat ako ni mama, nasa kanan ko si Selestiel at nasa kaliwa ko si papa.

Nagulat ako ng maglapag si papa ng tasa sa harapan ko, mas kumunot pa ang noo ko ng siya ang maglagay ng ulam doon.

My mom is just smiling at us.

I don't know how my mom can forgive him right away, hindi naman na ako galit pero hindi ko pa siya tuluyang mapatawad.

Ilang buwan na ang nakalipas at nararamdaman ko ang pagbawi niya, hindi lang sa 'kin kundi kay mama at sa kapatid ko.

"How was your first week as CEO?" my dad asked while we are in the middle of eating.

"Ayos lang naman po, may mga inaalam pa akong process and chinicheck na projects."

"Good, you can always ask me, kailangang matutunan mo na rin ito para makapag retire na talaga ako."

I just nodded.

"Anak, napakaganda ng wedding invitations n'yo ni Celestine, her taste is really amazing," my mom said with all excitement.

"She's very hands on po, I wanted to come with her to meet her designer pero ayaw niya akong isama, gusto raw niya surprise on how she will look sa wedding day."

"Ate Celestine is always beautiful, the way niya makipag usap and—"

"Stop crushing on my fiancée," sabi ko kaya nagtawanan sila.

"I may have made some bad decision but I am really glad you're marrying her, not because of her family but kapag siya pa lang ang pinag-uusapan, nagbabago ang timpla mo, you look happy anak," my dad said.

I looked at him and smiled.

"I am really happy, lalo na po alam ko saglit na saglit na lang, magiging asawa ko na siya."

That dinner went well, medyo mas umaayos na rin ang relationship namin sa isa't isa. We just need time.

Kinuha ko ang phone ko, I immediately typed a text.

Bubby, nasa hospital ka na?

Alam ko kasi pinili nyang kunin ang night shift dahil kasabay niya si Dakota at Georgy.

I sat down sa veranda ng kwarto ko, iilan na lang din ang naiwang gamit ko rito sa bahay dahil mostly ay nailipat na sa magiging bahay namin.

We bought a land as soon as nung nag-propose ako sa kanya and Storm was the engineer in charge for that.

Last two weeks ago ay natapos na ang bahay, unti-unti ay naglilipat na kami ng gamit while preparing for our wedding.

Each day I feel ecstatic and excited. Each day na papalapit na alam kong hihintayin ko siya sa altar, walang pagsidlan ng tuwa ang puso ko.

THE MAN IN GREEN UNIFORM (Montenegro Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon