Chapter 23

52K 1.9K 261
                                    

Celestine's POV.

"Sumama ka na lang kaya sa 'kin?" Nicholas asked me again.

"Nicholas, mauna ka na, I will just finish my duty here," sabi ko rito. "Ilang araw na lang naman."

"But nakidnap ka rito, hindi safe, umuwi na lang tayo ng sabay hmm? Please love."

"I promise, I'll be safe here, kaya ko naman ang sarili ko, I am okay now, you took care of me."

He held my hand. Nakasakay kami ng elevator ngayon kaya naman, malaya nyang pinaglalaro ang daliri niya sa mga daliri ko.

I smiled while looking at him, he looks like a spoiled brat teenager now. Naka pout siya pero gwapo pa rin ang mukha.

"I don't really want to go, pero I need to oversee everything, lalo na yung tungkol sa kasal natin." Umayos ito ng tayo. He sighed. "Okay I'll let you stay, dahil alam ko, ito naman na yung huling beses na maghihiwalay tayo."

Mabilis nyang dinala ang kamay ko sa labi niya.

"I love you love, gaya ng palagi kong sinasabi, maghihintay ako, hihintayin kita."

"Alam ko." Mabilis akong yumakap sa kanya.

Bumukas na ang elevator pero hinayaan ko lang, wala akong magiging pakielam sa oras na ito.

Nicholas Buenavista is the warmest person I know, one call and he flew all the way here in Cuba just to make sure I'm okay. He spent a couple of days taking care of me, making sure na I can bounce back from what happened.

I was really shocked sa nagawa ko. I still don't know what happened to that guy, hindi ko na masyadong iniisip, people around me will always say na I did it to save myself. I know that pero yung fact na nakapanakit or nakapatay ako ng tao, ang nakakapagpabigat ng loob ko.

Yun ang dahilan why I didn't do anything for the first 24 hours, hindi ako lumaban or ano pa man nung nagising ako. I don't really wanna hurt anybody as much as possible.

I was taught different kind of martial arts at a very young age, my dad wanted me to learn the basics before pero I really enjoyed it hanggang mag focus ako sa Taekwondo and earned the highest rank they have.

I will often go to HFC, our firearms company na hawak ni Tito Cloud lalo na nung teenager days ko just to learn to shoot and to experience first kung anong ilalabas na baril ng company.

Pero simula ng mag doktor ako, simula ng mag oath taking ako, I tried my best to forget about my capabilities and to do my best just to save lives.

I want to save lives. Iba yung tuwa ko sa tuwing lalabas ako ng operating room at sasabihin kong maayos at ligtas na ang pasyente ko.

Hindi na rin kami nakapag usap ni Stephen, hindi na kami nagkita pa, hindi dahil ini expect ko or what pero some part of me wish to talk to him and thank him, dahil pumunta pa rin siya kahit alam nyang delikado para sa kanya.

Ayoko ng lagyan pa ng meaning iyon, maybe he feels guilty kaya ganoon pero nonetheless, I still want to thank him properly.

Napalingon ako kay Nicholas ng humigpit ang hawak niya sa kamay ko, it was as if he is pulling back to reality.

Hawak niya pa rin ang kamay ko habang naglalakad kami. Ihahatid ko siya sa airport kasama nina Cath kaya nagulat ako ng bigla itong huminto.

"Hmm?" Bumaling ako sa kanya.

"Wag mo na kong ihatid."

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Baka hindi na ako umalis." He smiled a little pero pakiramdam ko ay may iba sa tingin niya sa 'kin. "Ako na lang." Bumitaw siya sa pagkakahawak sa 'kin at niyakap ako. "I love you." Mabilis nitong hinalikan ang gilid ng ulo ko.

THE MAN IN GREEN UNIFORM (Montenegro Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon