Chapter 10

54.8K 2.5K 649
                                    

Celestine's POV.

Nakahiga ako sa couch ko, kakagising ko lang kaya tumambay muna ako sa sala ko at binuksan ang TV.

Pero wala sa TV ang atensyon ko, it was on what happened last night.

"My goodness, may boyfriend na ako," I told myself.

Eksaktong nag chime ang phone ko indicating na may nagtext sa 'kin, nagmamadali pa akong umupo dahil baka si Stephen iyon pero nadismaya ako ng makitang text iyon mula sa bangko ko.

Napakasweet naman talaga ng nilalang na iyon. Sabagay, hindi naman din ako sobrang clingy na girlfriend.

I just decided to open my instagram, gusto ko sanang i post na rin siya pero hindi ko naman siya kailangang i show off. I think we both like to keep it private.

Ang hindi alam ng iba, hindi nila masisira.

I checked his instagram to see if he posted a new photo or what pero yung huli pa rin ay yung picture ko nung nakaraan.

A smile immediately formed nung makita kong nagpalit siya ng bio.

This captain belongs to a doctor.

"Gwiyeobda." I murmured in korean. I find it really cute.

I was interrupted by the sound of my doorbell kaya naman masaya akong pumunta roon, I expect to see Cath pero ang nasa harapan ko ay ang nakangiti at gwapong boyfriend ko.

"Still early, bakit nandito ka na?" I asked him while I step aside para makapasok sya.

"I'm gonna cook for you," he said, looking down at me.

I am just 5'2 and he is taller than me kaya kapag ganitong katapat ko siya ay nakatingala ako at parang batang pinapagalitan.

"Stephen, it's okay, hindi ka ba need sa camp?" I asked him, sinusundan ko na siya sa kusina ngayon. "Stephen—"

Nagulat ako ng sumandal siya sa lamesa ko at hinarap ako.

"What do you think? You can call me hubby, babe, baby."

"Geez, terms of endearment?" pang-aasar ko.

"Ang sweet mong girlfriend, sobra." Sarcastic niyang sabi kaya natawa ako.

"Okay sige na, sorry na," sabi ko, bahagya kong idinikit ang tuktok ng ulo ko sa chest niya.

Okay people, ganito ako maglambing. Find your own way.

Nung mag-angat ako ng tingin ay ang seryoso at magandang pares ng mata niya ang tumambad sa 'kin. I just smiled at him.

He fix some part of my hair na magulo bago siya nag sigh.

"Go take a bath, I'll cook."

"Okay Capt," I told him, he held my hand pa ng ilang segundo bago niya ko binitiwan.

Naglakad ako ng nakangiti papunta sa room ko. Almost half an hour din akong naligo. I decided to wear a Gucci dress that my mom bought, it is not to fitted, may sleeves ito at color cream ang kulay, may ribbon and belt din ito. I can hear my busy kitchen habang nagbo blow dry ako ng buhok.

Hinayaan ko lang ba nakalugay ang buhok ko. I wore a black pair of three-inches heels.

He is so busy fixing the table kaya hindi niya naramdaman ang paglapit ko. Saglit ko siyang pinanood.

I can get used to this, kaya naman pala ang tagal ko bago magkaroon ng boyfriend, ito pala ang ibibigay sa 'kin. It was worth it.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya and I just found the urge to hug him from the back.

THE MAN IN GREEN UNIFORM (Montenegro Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon