Celestine's POV.
"Wala bang pa get together dyan ulit?" Georgy asked while I am busy studying for my next operation.
Tinaasan ko ito ng kilay pero nginitian lang ako nito na parang malambing na tuta.
"Stop smiling, you look creepy."
"Ikaw, salbahe yang bibig mo," sabi nito sa 'kin bago umupo sa harapan ko. "Palibhasa, masaya ang lovelife mo, palibhasa soon to be jowa mo si Captain Connor, paano naman ako, di ko makita-kita lagi si Dayle—"
"Geez, stop pestering Dayle," sabi ko rito.
"Pester?! Hoy babae, crush din ako n'on, in denial lang siya pero you'll see." Tumawa pa ito. "Babagsak din 'yon sa kamandag ko."
"Si Stephen ang kulitin mo," sabi ko as I try to focus my attention sa binabasa kong patient info.
"Susunduin ka ba ni Stephen mamaya?" he asked.
"Hmm." Napaisip ako bago nilabas ang cellphone ko.
May text pala sya.
From: My Capt
Hindi kita masusundo mamaya, darating kasi yung isa sa mga heneral namin, I'll just call you tonight, take care, don't stress yourself too much.
"Malas ka," sabi ko kay Georgy as I hid my phone. "Hindi ako susunduin eh, busy 'yon sa camp nila today."
"Ano ba yan, pag-ibig na naging bato pa."
"Kung gusto mong makita si Dayle, puntahan mo sa camp, ng barilin ka na lang bigla."
"No way! Duh!" sabi nito bago ako irapan.
"Ang ganda nung kotse sa labas."
"Oo nga, tapos ang gwapo pa nung nagda-drive."
"Ano ka ba naman Leny, he looks older than us."
"Pero aminin mo, ang gwapo niya pa rin, sa age niya na ganoon, ang hot niya pa rin tingnan."
"I don't care about age, pwede akong sugar baby."
Nabaling ang atensyon namin sa mga nagku kwentuhang mga nurse.
Geez, ano na namang meron?
Napatingin kami sa entrance ni Georgy dahil halos lahat ng papasok na babae roon ay nakangiti at kinikilig.
"OMG, Doc Trina, nakita mo ba yung poging naka suit sa labas?" One of Trina's friend came to her, kararating lang nito pero kung makangisi sa 'kin ay akala mo kung sinong maraming ipagmamalaki.
"Yeah, I know him," sabi nito sa maangas na boses.
"Really? OMG, close kayo?" tanong naman ulit sa kanya but rather than listening to what Trina has to say ay mabilis akong naglakad papalabas.
Not because tsismosa ako or what, I just have a got feeling.
I automatically halted ng makita ko kung sino ang pinag-uusapan nila.
Wearing his usual sunglasses, his perfectly made suit, bahagya itong nakasandal sa isa sa mga paborito nyang luxury car.
Tinanggal nito ang salamin at ngumiti sa 'kin.
I can't help but smiled back and immediately ran to him.
Mabilis akong yumakap dito.
"Daddy," I called him.
Thunder Montenegro is here in Cuba.
I felt him hugged me tighter before letting me go. Bahagya niya pang tinitigan na parang pinag-aaralan ang mukha ko bago niya ako iginiya papasok ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
THE MAN IN GREEN UNIFORM (Montenegro Series #3)
RomanceThis story will become free on JUNE 26, 2024 A well-known doctor, Celestine Snow Montenegro, doesn't believe in love anymore. But, Military Captain, Stephen Conner enters her life. Will this man in a green uniform change Celestine's views about love...