Chapter 35

16 6 0
                                    

Bevy is awake

Joy's P.O.V

Pasado alauna ng makauwi kami galing sa SMH. Nakakapagod ang ginawa naming paghahanap sa libro na 'yon na nasa pangangalaga lang pala ng mga multo

Hayy Ewan ko ba kung bakit hindi pa nila nililisan ang mundo na 'to

Mabuti nalang sabado ngayon at pwede akong matulog maghapon 

Pero hindi na yata mangyayari ang nasa isip ko dahil tumawag sakin si Dad na pupunta kami sa party ni tita Kristina dahil birthday ng anak nyang si Josrel

Andito ako sa kama ko at nakahiga parin. Tinatamad akong maligo dahil inaantok pa talaga ako

Kasi naman pasado alauna ako nakauwi tapos ginising ako ng alas kwatro

Kainis! Mukang madadag dagan ang eye bags ko nito eh!

"Miss Joy pinapatawag po kayo ng Daddy mo" tumango lang ako kay manang

Kahit na tinatamad at inaantok tumayo na ako at tumungo sa CR para maligo

Grabe! Hindi pa nga sumisikat ang araw naliligo na ako at ang magaling ko namang tatay ayun minamadali ako

Bawal naman akong mag reklamo dahil kakainin ako ng buhay non

Napapikit ako ng dumaloy sa katawan ko ang malamig na tubig galing shower

Binilisan ko nalang ang kilos ko na hindi yata tumagal ng five minutes ay natapos na ako

Parang gusto ko nalang sumabog ng wala akong makitang damit na pwedeng suotin sa party

Kanina pa ako nakatayo dito sa harapan ng cabinet ko. Mas matagal pa yata ang tinayo ko dito kesa sa pagligo ko

At sa wakas! May nakita din ako! Isang baby pink na dress na ngayon ko lang isusuot

Labag pa sa loob ko ng isuot ko ang dress na kita ang tuhod ko

Bumaba na ako at sinalubong ng puyat na ngiti si mom kaya napailing nalang sya sakin

May kausap si Dad sa Cellphone nya ng abutan ko sya sa Dining

Umupo nalang ako at kumuha ng dapat kainin. Nang susubo na ako ay sya namang pagring ng Cellphone ko kaya awkward akong tumingin at ngumiti kay Dad na tahimik habang kumakain

"Excuse Dad.." Paalam ko

MaLeeit calling....

Napangiti ako ng makita ang pangalan ni Lee sa screen kaya agad ko itong sinagot

"[Hello? Joy?]" Bungad nya

"[Hello? Lee?]" Pang gagaya ko

"[Hello? Joy?]" Luh?

"Sige tangahan mo pa..." Narinig ko ang mahinang pagtawa nya sa kabilang linya

"Kasi ganito si- *tot tot tot*"

History of San Mateo high (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon