Another world
Bevy's P.O.V
Nakakabagot pala ang pagiging ghost mo dahil walang pumapansin sayo walang nakakakita at higit sa lahat hindi ka nakakakain ng ice cream!
Ang pinag-kaiba ko lang yata sa mga ghost na nakakasalamuha ko is maganda ako. Hays kawawa naman sila ghost na nga hindi pa kagandahan. Charot! Masyado ng feeling bawasan natin
"Kanina ka pa tulala" umupo sa harapan ko si Sapphire kasama si Tyler na mukang pasan ang mundo
"Iniisip ko lang na bakit kaya palaging nakasimangot si Tyler?" Sinamaan ako ng tingin ni Tyler ng marinig nya ang tanong ko
"Hay nako Bevy! Masanay ka na dahil kahit birthday at death day nyan ay nakasimangot padin! Pinanganak na yatang ganyan yan!" Na curious naman ako sa pagkatao este pagka ghost ni Tyler
Bakit nga pala sya laging nakasimangot? Hmm......
"May problema ba?" Tinignan lang ako ni Tyler at iniwan kami
Kung hindi lang ako natatakot sa kanya kanina ko pa binatukan yon. Nag uumapaw sa kasungitan! Pasalamat sya gwapo sya kung hindi nako!
"Ay walk out king?" Tumayo nadin si Sapphire para siguro sundan ang nagtatampong Tyler kung nagtatampo nga
Tumayo nadin ako at naglakad lakad hanggang sa marating ko ang Section E. Wala paring pinag bago malinis at maaliwalas kahit na hindi natatauhan este nagagamit
Umupo ako sa upuan ni Miss Ysabella. Kumportable at masarap upuan hindi gaya ng sa school namin wasak na nga ginagamit pa
Paulit-ulit lang ang ginagawa ko dito simula nang maging ghost ako. Isang linggo na ang nakakaraan ng mangyari yon kaya marami nadin akong natutunan bilang ghost person
Tulad ng kung paano lumutang, magpagalaw at humawak ng bagay tulad ng sa tao, mag teleport at kung paano mo sila bibigyan ng babala sa pamamagitan ng pag dalaw mo sa kanilang panaginip
Hindi ko pa na try yun dahil kapag susubukan ko pinipigilan ako ni Ma'am Venice. Hindi ko alam kung bakit pero hinayaan ko nalang kesa makipag talo pa ako edi may kaaway na agad ako
Nang mainip kakaupo sa upuan ni Miss Ysabella lumabas na ako dahil may biglang pumasok na tanong sa isip ko na hindi man lang nagawang magpaalam kung payag ba ako o hindi!
Hinanap ko ang pinaka mahangin na multo pero may ginagawa daw kaya nilapitan ko si Sapphire na busy din kasama si Tyler kaya wala akong ibang choice kundi ang puntahan si Ma'am Venice sa labas ng school na to
Gala din kasi at mahilig mag cutting ang teacher nayon. Siguro nung nabubuhay pa sya walang natututinan ang mga students sa kanya dahil mas gusto nya ang mapag-isa. Bakit pa sya nag teacher kung gusto nyang mapag-isa? May trabaho bang mag-isa ka lang? Sa pagkakaalam ko ay wala eh
Hays! Bakit ko ba pinoproblema yon? Wala naman akong pakealam sa kanya eh ang sakin lang ay may itatanong ako
Ilang lakad pa ang ginawa ko bago ko maisipan na mag teleport. Bakit hindi ko nga pala naisip yan kanina pa? Para hindi na ako napagod kakalakad! Minsan talaga hindi gumagana ang utak ko eh. Hindi lang yata katawang lupa ang nawala sakin pati utak din yata. Tinakasan ako
BINABASA MO ANG
History of San Mateo high (COMPLETED)
Teen FictionPag kakaibigang nabuo Pag mamahalang nabuo Paano kung magising ka sa mundong lahat ng nakasanayan mo ay wala? Paano kung panaginip lang pala ang lahat? Kakayanin mo kaya? Paano kung binuhay ka lang para ayusin ang lahat ng hindi naayos noon? Gagawin...