Chapter 2

45 10 0
                                    

Dedicated to -baekyux

Die

Bevy lxy's P.O.V

Matatakot kaya ako kung sakaling nag pakita sakin yung tinuro ni Joy sa puno?

Bakit Hindi ko manlang naramdaman ang prisensya ng mga nilalang sa paligid?

Bakit kaya humandusay nalang ang mga kaibigan ko sa damuhan?

Samantalang ako hindi manlang naputikan ang damit ko

Pero sino kaya yung babaeng nakasunod kay Lee?

Sya kaya ang may gawa nito?

Pero bakit?

"Bevy anak!" Napatingin ako kay mama ng bigla nalang itong sumugod sa kwarto ko

"Ma wag kang OA walang nangyari sakin sa ganda Kong to lalapitan ako ng mga spirits?"

"Anak naman nag aalala na nga si mama sayo ganyan kapa"

"Ma ayos lang po ako wag kang mag alala dapat nga ang mga kaibigan ko ang kinakamusta nyo" niyakap ko nalang si mama para naman naramdaman nya na ayos lang talaga ako

"Tapos na ba ang ka dramahan nyo?" Inirapan ko si Fantaesha na nasa likuran ni mama

kahit kailan talaga panira ng moment ang babaknet nato!

"Ma tawag ka nga pala ni manang aalis daw kayo diba?"

"Ay oo nga pala sige bevy aalis lang kami ni manang" kumawala na sa pag kakayakap ko si mama

"Ingat kayo ma" sabi ko ng makatayo na si mama mula sa pag kakaupo

Pagkalabas ni mama tumakbo naman si Fantaesha papunta sa kama ko at nakasunod sa kanya si Sofie

"Anong kailangan nyo!" Sigaw ko

"Top 10 ghost caught on cam!" Exited na sabi ni Fantaesha at Sofie

kahit kailan puro ghost nalang ang laman ng utak ng mga batang ito

"Wanna join us?" Tanong ni Fantaesha na binubuksan ang dala nilang snacks

"Ayoko!"

"Ate please!" Pag papacute naman ni Sofie

"Fine!" Sabay yakap ng dalawa sakin

"Pasalamat kayo may maganda kayong ate"

"Yack!" Pang aasar ng dalawa

"Che! manahimik kayo!" Inagaw ko Kay Fantaesha ang dala nyang mga snacks at tamad na pinanood ang mga ghost

Maya maya tumunog ang cellphone ko kasabay ng pag flash ng pangalan ni Jane sa screen ng phone kaya sinagot ko agad ang tawag

"Hello Jane?"

"Ano may balak ka bang sumama or wala!? At may balak ka din bang buksan ang pinto ninyo!?" Halos maibato ko ang phone dahil nakakabingi ang sigaw ni Jane pero may kakaibang presensya sa kabilang Linya

Agad ko silang binaba at pinag buksan ng pinto halos madapa pa nga ako para lang malaman kung may iba silang kasama

Binilang ko sila kung ilan pero wala namang sobra at wala silang kasamang iba

"Bevy ayos kalang?" Pag aalalang tanong ni Jayson ng makitang wala ako sa sarili

"A-ayos lang haha wag nyo na akong pansinin.... Teka bat napadaan kayo?"

"Bevy nakalimutan mo na!? Its Friday! Friday the 13th!!!" Galit na sigaw nanaman ni Jane

"Ahh... Oo nga pala haha sige upo muna kayo hintayin nyo ako"

"Hindi ka pa nag hahanda!?" Gulat na tanong ni joy

"Oo.... Hahaha!"

Nagmadali na akong nag impake ng mga kailangan iniwan ko sa kwarto ang mga kapatid ko na busy kakanood ng mga ghost

Pag baba ko nakita Kong nag aaway si Joy at Lee

"Patayin mo nalang yan" sabi ni Jane Kay Joy

"Short's, long sleeves and rubber shoes" walang ganang tinignan ako ni Xyrille mula ulo hanggang paa so ano pa nga ba ayaw nya ng suot ko

"So tara na?" Excited na sabi ni Jane habang kumukuha ng mga snacks sa pantry

"Nag hihintay yung Van sa labas" sabi naman ni Jayson na inaayos ang buhok nya na bago nanaman ang kulay

"Let's go!" Sigaw ni Lee na may neck pillow sa leeg

syempre saan ba dapat ilagay ang neck pillow sa muka?

Kaya nga neck pillow sa leeg dapat nilalagay

Nauna ng lumabas si Jayson at Jane habang si Joy at Lee naman tahimik na naglalakad palabas

bati na kaya sila?

"Bevy" tawag sakin ni Xyrille

May ibinigay ito sakin isang itim na tali isuot ko daw para hindi ako lapitan ng mga para ghost

"Tara na?" Tanong sakin ni Xyrille at sabay na lumabas

Nakita ko si Jayson at Jane na nag hihilahan sa pinto ng van

Nag uunahan sigurong makaupo sa tabi ng bintana kaya pumagitna na ako sa kanila para tumigil na sa kaka-dada si Jane

Pumasok na ako sa van at umupo sa pwesto na pinag aagawan nila

Pag upo ko ay tumingin ako sa kanilang dalawa nakita kong naiiyak na si Jane at sinisisi si Jayson kung bakit hindi sya naka upo sa dapat nyang upuan

"Tara na!" Yaya ko sa kanilang dalawa

"Sinong mag mamaneho?" Tanong ni Lee

"Si Xyrille" turo ni Joy kaya sinimulan ng paandarin ni Xyrille ang van

                       ××××

3 hours kaming nasa byahe kaya nakatulog nadin ang mga kaibigan ko

Nag ring naman ang phone ko at nag flash ang pangalan ni

mama...

Patay na! Hindi ako nakapag paalam kaya agad kong sinagot ang tawag

"Hello ma?"

"Ikaw na bata ka saan kayo pupunta!!?" Halos mabingi ako sa Sigaw ni mama

"Ma may adventure po kasi kami"

"Aba! Bakit Hindi ka nag paalam? Hihintayin mo pa ba akong tumawag at mag alala?"

Sorry na po!

"S-sorry po ma wala po kasi kayo kanina sa bahay eh sila Fantaesha naman po busy kakanood ng mga ghost" magalang Kong pag papaliwanag

"Oh sige kailan ba ang balik nyo?"

Babalik pa pala kami?

"Hindi ko po Alam ma"

"Oh sya sige ingat nalang kayo."

"Sige ma! Bye bye!"

"30 minutes nalang makakarating na tayo" sabi ni Jayson dahil sya naman ang pumalit kay Xyrille sa pag mamaneho

Isinara ko ang mga bintana ng van dahil pakiramdam ko may nakamasid sa amin

Maya maya sumilip ako ng kaunti tama nga ang hinala ko!

May nakamasid sa amin nakita ko ang isang babae nakasuot ito ng uniform at may diamond sa kaliwang kwelyo tinignan nya ako na para bang binabalaan nya kami na wag ng tumuloy at may binitawan syang papel na dinala naman ng hangin palapit sa bintana ng van kinilabutan ako ng mabasa ang nakasulat

"Die"

History of San Mateo high (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon