Truth
Bevy's P.O.V
Yung totoo. Joke ba to? Bakit may ganyan? Bakit ganyan? Totoo pala yan? Paano? Bakit sila? Bakit kailangan pa yon?
"Bevy you need to Accept and understand." mahinahon na pakiusap ni Sapphire.
"Accept? understand? hindi ganon kadali na idigest lahat ng pinakita nyo!" inis na wika ko at tumayo.
Aalis na ako. ayoko na dito. gusto ko ng mabuhay!
"Bevy saan ka pupunta!?" tanong ni Jeys
"Sa lugar kung saan wala kayo." tuluyan ko na silang tinalikuran pero pinigilan ako ni Tyler
"Ano nanaman ba!?" inalis ko ang pagkakahawak nya sa braso ko.
"Bevy you need to understand..." mahihimigan ang pagkainis at pakiusap pero Hindi ko na iyong pinansin. pinikit ko ang mga mata ko at nag imagine na nasa school ako kung nasaan ang mga kaibigan ko. Nang imulat ko ang aking mga mata nandito na ako sa paaralan kung saan masaya ang mga estudyanteng nag aaral.
"I miss Bevy so much.." napalingon ako sa dulo ng classroom kung nasaan ako ngayon at nakita ko ang aking mga kaibigan na nakapabilog at malulungkot ang mga mata.
"I miss her too..." niyakap ni Joy ang Teddy Bear ko na mukang kinuha nya pa sa kwarto ko.
"Halata nga. tignan nyo nga halos kinuha nyo na lahat ng stuff toys ni Bevy sa sobrang pagka miss ninyo!" bulyaw ni Lee dahil totoo nga halos kunin na nilang lahat ang nga stuff toys ko. nakakalat pa sa sahig ang ilan at nasa upuan ni Lee ang ibang malalaki.
Kaya naman pala......
"Bakit ikaw Hindi mo ba sya namimiss!?" inis na tanong ni Joy
"Namimiss ko din sya kaya nga ito oh!" may nilabas sya mula sa bag at pinakita sa kanila. Picture namin na magkakasama at ako ang nasa gitna.
"Bevy is here..." gulat na wika ni Stephen habang nakatingin sakin. Nakikita na nya ako?
"Where?" –Jane
"Saan?" –Joy
"Bakit Hindi ko makita?" –Lee
"Wala naman ah?" –Jayson
"Tsk." –Xyrille
"Hindi nyo talaga makikita kasi mararamdaman nyo!" sigaw ni Stephen dahil kung saan saan sila lumilingon.
"Naramdaman mo ba!?" inis na tanong ni Jane
"Oo at doon galing!" tinuro nya ang pwesto ko kaya ngumiti at kumaway ako sa kanila kahit na Hindi nila ako nakikita.
"For real!?" Hindi makapaniwala si Joy kaya pumunta sya sa harap ko at umasta na nakikita nya ako
"Bevy buti nagbalik ka na?" masayang wika nya at niyakap ako kahit na hangin lang ang kayakap nya. sumunod naman si Jane at niyakap ako. ganon din ang ginawa ng lahat kaya niyakap ko sila pabalik kahit na Hindi nila ako nararamdaman.
"I miss you so much guys...." malungkot Kong wika bago humangin ng malakas at humigpit ang yakap ko sa kanila. Masaya ako na maramdaman at mahawakan ko sila. bumitaw na sila sa pagkakayakap at gulat na nakatingin sakin.
Grabe na yata ang pagkaka arte nyo?
"I-Its real?" nauutal na tanong ni Jayson
"I think it is?" nag aalangan naman si Jane
BINABASA MO ANG
History of San Mateo high (COMPLETED)
Teen FictionPag kakaibigang nabuo Pag mamahalang nabuo Paano kung magising ka sa mundong lahat ng nakasanayan mo ay wala? Paano kung panaginip lang pala ang lahat? Kakayanin mo kaya? Paano kung binuhay ka lang para ayusin ang lahat ng hindi naayos noon? Gagawin...